PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man discovers ex-GF files marriage license without his consent

And the marriage is legal!
by KC Cordero
Published Jun 27, 2025
Photo of marriage certificate
Nang araw na kukuha sila ng marriage license, nagkaroon ng matinding argumento ang magkasintahan kaya nakipag-break ang lalaki sa girlfriend. Pero nagawan ng babae ng paraan na maiparehistrong legal na nagpakasal sila ng lalaki kahit walang seremonya, Paano? (Photo: Freepik)

Isang lalaki sa Texas, USA, ang sobrang nagulat nang matuklasang kasal siya sa babaeng kamakailan lang ay kinalasan niya.

Naganap ang kasal nang wala siyang pahintulot.

Ang kakaibang kuwentong ito ay ibinalita sa YouTube channel ng news site na KETK NBC last June 18, 2025.

Ang 42-year-old man, na hindi na pinangalanan, ay residente ng Beverly Hills, Waco, Texas.

Ayon sa balita, inamin ng lalaki na nagkaroon siya ng “committed relationship" kay Kristin Marie Spearman, 36.

Residente rin ng Texas si Kristin, na ex-fiancée na niya dapat.

Photo of ex-girlfriend
Ang larawan ng ex-girlfriend ng Texas guy. Photo: Beverly Hills Police
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Although nagpunta sila dati sa clerk’s office para magpatala ng marriage license, hindi natuloy ang kanilang kasal.

Nagkaroon kasi sila ng matinding argumento.

Dahil doon, sinabi ng lalaki kay Kristin Marie na tinatapos na niya ang kanilang relasyon—at ayaw na niyang mapangasawa ito.

Read: Woman dies of caffeine overdose after ambulance arrives 7 hours late

A COPY OF THEIR MARRIAGE LICENSE

Ngayong June 2025, ilang araw matapos ang kanilang breakup, nakatanggap ang lalaki ng gift bag mula sa Bath & Body Works.

Naglalaman iyon ng iba’t ibang produkto.

Sa pagkagulat niya, naroon din ang kopya ng isang officiated marriage license na may petsang June 13, 2025.

May larawan din ni Kristin Marie na hawak ang marriage license na legal at kinikilala ang kanilang pag-iisang dibdib.

Gayun na lang ang pagkabigla ng lalaki.

Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue

EX-GIRLFRIEND WAS ABLE TO CONVINCE A LOCAL PASTOR TO CERTIFY THE MARRIAGE LICENSE

Nakasaad sa McLennan County website na ang isang couple ay dapat na iprisinta nang personal ang kanilang mga sarili at magpakita ng valid identification para mabigyan ng application for a marriage license.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kakaibang kasong ito, nakakuha umano ng permiso si Kristin Marie sa isang local pastor na basbasan at sertipikahan ang kasal kahit hindi present ang groom.

Matapos iyon ay dinala niya ang certified marriage license sa local county clerk’s office at ipinatala.

Dahil dito, inireklamo si Kristin ng ex-boyfriend sa pulisya.

Read: Mom and daughter build house from 8,000 recycled glass bottles

EX-GIRLFRIEND WAS CHARGED WITH THIRD-DEGREE FELONY STALKING

Maging ang hepe ng Beverly Hills Police na si Kory Martin ay hindi makapaniwala sa nangyari.

Sa 23 years ni Martin sa serbisyo, wala pa siyang nabalitaan na nakapagpakasal nang hindi present sa seremonya.

Hindi pa umano nagbibigay ng pahayag ang pastor na “nagkasal” sa dalawa.

Sinabi rin niyang hinarap naman ni Kristin Marie ang sitwasyon, at naghahanap ito ng mga paraan para maiayos iyon.

Inaresto ang babae ng pulisya at sinampahan ng kasong third-degree felony stalking.

Kasalukuyan siyang nakapiit.

Nakausap na rin ni Martin ang lalaki, at maging ito ay gumagawa ng mga paraan para makakalas sa marriage.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nangangamba umano ito sa pansariling kaligtasan.

Natatakot din ang lalaking baka magkaroon ng karapatan si Kristin Marie sa mga ari-arian nito lalo pa at lumalabas na legal ang kanilang kasal.

Read: Impostor flight attendant racks up more than 120 free flights

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang araw na kukuha sila ng marriage license, nagkaroon ng matinding argumento ang magkasintahan kaya nakipag-break ang lalaki sa girlfriend. Pero nagawan ng babae ng paraan na maiparehistrong legal na nagpakasal sila ng lalaki kahit walang seremonya, Paano? (Photo: Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results