PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Henry, the world’s oldest crocodile at 124, has had 6 partners

...and more than 10,000 offspring!
by KC Cordero
Published Jun 28, 2025
Photo of Henry
Sa kanyang pamamalagi sa Crocworld Conservation Centre sa South Africa sa loob ng mahigit apat na dekada, nagkaroon na si Henry ng anim na partners at mahigit 10,000 offspring. (Photo courtesy of Jam Press)

One hundred and twenty-four years old na si Henry, ang “oldest known crocodile in the world.”

Kabilang siya sa Nile species.

Nasa pangangalaga siya ng Crocworld Conservation Centre sa South Africa.

Henry with partner Colgate
Si Henry sa kanyang habitat sa crocodile conservation. Photo: Jam Press

Sa loob ng mahabang panahon niya sa mundo, sumobra rin ang laki ni Henry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May haba siyang mahigit limang metro—16 feet 5 inchesmula sa kanyang ilong hanggang buntot.

Tumitimbang siya ng 700 kilograms o 1,543 pounds.

Bilang pagkukumpara, ang average Nile crocodile ay humahaba lang ng 4.5 meters (14.7 feet) at may timbang na around 410 kilograms (900 pounds).

Kung tutuusin, mas malaki kaysa kay Henry ang Philippine crocodile na si Lolong na nahuli noong 2011 at namatay noong 2013.

Si Lolong ay may habang 6.17 meters (20 feet 3 inches) at timbang na 1,075 kilograms (2,370 pounds)—ang pinakamalaking na-capture na crocodile.

Samantala, sa kabila ng tawag na Nile crocodile, ang species ni Henry ay matatagpuan lang sa malaking bahagi ng Africa.

Read: Crocodile bites, wrestles with man in Zamboanga; man survives

HENRY HAS HAD SIX PARTNERS, MORE THAN 10,000 OFFSPRINGS

Pinaniniwalaang ipinanganak si Henry noong 1900 sa swamps ng Okavango Delta sa Botswana, batay sa ulat ng website na www.iflscience.com last June 25, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napasailalim naman siya sa pangangalaga ng Crocworld Conservation Centre noong 1985.

Mula nang dumating sa Crocworld, nagkaroon si Henry ng anim na babaeng partners.

Sa pagtataya ng mga nag-aalaga sa kanya, nasa 10,000 ang kanyang naging anak sa loob ng 40 years.

Ipinagdiriwang ang kaarawan ni Henry tuwing December 16, kaya magiging 125 years old na siya ngayong taon.

Birthday greetings for Henry
Ang mga pagbati kay Henry nang mag-birthday noong 2024. Photo: Crocworld Conservation Centre
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa wild siya ipinanganak, ang eksaktong petsa ng pagkaka-hatch sa kanya ay hindi tiyak.

Ibinahagi naman ng British TV show na Killer Crocs with Steve Backshall, nahuli si Henry noong 1903 ng isang elephant catcher na kung tawagin ay si Sir Henry.

Sa elephant catcher na rin isinunod ang kanyang pangalan.

Sa kasalukuyan, kasama ni Henry sa kanyang habitat ang 90-year-old crocodile na tinatawag namang si Colgate.

Read: Tikman! Katakam-takam na crocodile lechon ng Davao

WHY CROCODILES HAVE LONG LIFE SPAN

Na-establish ng mga scientist na ang mga crocodile na nasa captivity tulad ni Henry ay maaari talagang mabuhay ng mahigit 100 years.

Natuklasang ang mga ito ay nagpapakita ng mataas na antas ng tinatawag na “negligible senescence.”

Ibig sabihin, kahit matatanda na, hindi mahahalata sa panlabas na anyo ang kanilang biological aging.

Itinuturing ding dahilan ng extreme longevity ang size nila kumpara sa ibang hayop.

May mga pag-aaral na nagsa-suggest na nakatutulong sa paghaba ng kanilang buhay ang unusual collection of microorganisms na naninirahan sa kanilang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Theoretically, batay sa pag-aaral ng mga scientist, ang crocodiles ay hindi namamatay dahil sa “old age.”

Ang madalas na dahilan ng kanilang kamatayan ay external factors gaya ng pagkagutom, aksidente, o dinapuan ng infectious disease.

Read: Kinatatakutang dambuhalang crocodile, nahuli sa Palawan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang pamamalagi sa Crocworld Conservation Centre sa South Africa sa loob ng mahigit apat na dekada, nagkaroon na si Henry ng anim na partners at mahigit 10,000 offspring. (Photo courtesy of Jam Press)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results