Panahon ng pandemya nang mapaulat ang tungkol sa swearing parrots sa Lincolnshire Wildlife Park sa England.
Mayroong higit 200 African grey parrots ang animal sanctuary, pero ang pinakabida ay limang parrots na marunong magmura.
Naitampok pa ang mga ito sa major foreign news outlets, kabilang ang DW News, isang German media outlet, noong October 2024.
Ipinakita sa report ang bahagi ng aviary na pugad ng mga parrots na kumakanta ng “Happy Birthday,” tumatawa, at binabati ang mga visitors.
Ipinakita rin ang chief executive officer ng animal sanctuary na si Steven Nichols na pinapakain ang limang African parrots.
Pagkatapos, maririnig ang mga itong nagsasalita, pero nilagyan ng maraming bleeps ang video dahil sila rin ay nagmumura.
Ani Nichols habang tumatawa: “As I am walking past, I might hear a parrot say, ‘Oh, you fat B [bleep]. And you think, ‘That’s not really good. I don’t really want that.’
"Then one will just tell you to F [bleep] off. Then when you walk past, and somebody uses the C [bleep] word or something like that, and you think, ‘Oh my word. That is a bit too much.’”
Gayunpaman, ang pagmumura ng mga ibong ito ang mismong dahilan kung bakit sila nagkaroon ng “international stardom" at binansagang “England’s famous foul-mouthed birds.”
Sa kanilang signboard ay mababasa ang: “Warning: We cannot be held responsible for what you hear!
“For your information, every common swear word can be heard in this aviary so please be aware if you have people with you of a sensitive nature.”

Sa panayam sa ilang visitors, sinabi nilang hindi sila na-o-offend at all sa pagmumura ng mga parrots.
Sa katunayan, sa karanasan din ng park staff, rason ito kung bakit naririnig ang tawanan sa park.
Dagdag ng park staffer na si Jess Newton ukol sa mga parrots: “We never tell them not to [swear] because we laugh too much. And the public loves it as well.”
Read: Where is Tiktok: the dog shot with 5 darts and went viral?
WILDLIFE PARK CEO WORRIED ABOUT PARROTS
Ikinuwento ni Steve na nakuha ang mga ibon sa mga private homes noong panahon ng pandemya.
Laking gulat daw niya nang marinig na ang limang parrots na ito, bagama’t magkakaiba ang pinanggalingan, ay may alam sa pagmumura.
Ang naisip na paraan ni Steve ay isama sila sa iba pang parrots sa pag-asang matuto sila ng ibang tunog na gagayahin.
“We integrated them to a bigger group of parrots, and most parrots learn all the common noises like vehicles reversing, or microwaves, or as you can hear telephone noises.
“The general idea was if these rogue parrots hear more of the common noises, they stop using the swear words.
"It didn’t really work,” natatawa niyang sabi.
Bagkus, natuto ring magmura ang iba pang parrots.
Sa isang previous report ng BBC, binanggit ni Nichols na mas na-e-encourage daw ang mga parrots na magmura kapag sila ay nakakarinig ng tawanan ng mga tao.
Ang biro ni Nichols: "I'm hoping they learn different words within colonies.
“But if they teach the others bad language and I end up with 250 swearing birds, I don't know what we'll do."
Sa latest report naman DW, sinabi ni Nichols na may bago siyang ikinakabahala dahil sa itinuturo ng mga bisita.
“People teach them farting noises, and they do it at the most inopportune times, and I can hear them.
“So between swearing and farting, I don’t know if it is a good place to bring your kids."
