PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wife sues husband for making her do chores instead of content

She blames him, too, for the decline of her IG followers.
by KC Cordero
Published Jul 9, 2025
Couple having disagreement
Inireklamo ng isang misis ang mister dahil pinagbawalan siya nitong mag-social media para mas makapag-focus sa mga gawaing bahay. Dahil doon, nabawasan ang kanyang followers. (Photo: Freepik)

Iniwan ng isang misis sa India ang kanyang mister at inireklamo ito sa pulisya.

Bunsod ito ng pagbaba ng kanyang followers sa Instagram.

Anong nangyari?

Nasa kanya raw kasi ang bulto ng mga gawaing bahay kaya nawalan na siya ng oras para gumawa ng content.

Ang insidente ay iniulat ng news website na The Indian Express last June 14, 2025.

Read: Man swallows spoon while drunk; thinks it’s a dream for 6 months

HUSBAND TELLS WIFE TO CUT TIME ON SOCIAL MEDIA

Nakilala ang babae sa tawag na Nisha, 30.

Active siya sa Instagram, kung saan ang average post niya sa loob ng isang araw ay dalawang reels.

Siya at ang mister na si Vijendra ay naninirahan sa Noida, na sakop ng Uttar Pradesh state ng India.

Sa ulat ng local media, maayos noong una ang pagsasama ng mag-asawa.

Nagsimula silang magkaroon ng tensiyon nang sabihan ni Vijendra si Nisha na bawasan ang oras sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa halip, dapat daw niyang dagdagan ang responsibilidad sa loob ng kanilang tahanan, partikular sa mga gawaing bahay.

Read: Henry, the world’s oldest crocodile at 124, has had 6 partners

WIFE’S FOLLOWING ON SOCIAL MEDIA DECLINES

Sinunod ni Nisha ang gustong mangyari ni Vijendra.

Nagbawas siya ng oras sa social media. Nagdagdag siya ng domestic work.

Yun nga lang, napansin niyang nabawasan ang followers sa kanyang account.

Sinisi niya ang mister at kinumpronta ito.

Nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Couple arguing

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa matapos mabawasan ang followers ni Nisha sa Instagram. Photo: Freepik

Nilayasan ni Nisha si Vijendra at nagbalik sa bahay ng kanyang parents sa Pilkhuwa town na sakop ng Hapur district.

Read: Man discovers ex-GF files marriage license without his consent

WIFE FILES COMPLAINT AGAINTS HUSBAND

Sa pulisya ng naturang distrito naghain si Nisha ng reklamo laban kay Vijendra.

Ayon sa ulat ng local news outlet na Deccan Herald, ang sinabi diumano ni Nisha sa mga pulis ay: “My followers declined as I was kept busy washing utensils and cleaning of the house by my husband.

“I didn’t get time to make reels.”

Ang pagrereklamo ni Nisha sa pulisya ay kinumpirma ni Aruna Rai, station house officer ng Hapur Mahila Thana.

Ayon sa opisyal: “Nisha had filed a complaint of harassment against her husband.”

Nung nalaman ito ni Vijendra, naghain din siya ng reklamo laban kay Nisha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang claim ni mister, laging abala ang misis sa Instagram kaya napapabayaan ang mga gawaing bahay.

Ayon naman kay Aruna Rai: “When the husband presented his side, we stepped in to mediate and the couple were counselled.”

Sinabi ng opisyal sa mga mamamahayag na iniatras na ni Nisha ang reklamo laban kay Vijendra matapos sumailalim ang couple sa ilang beses na marriage counselling sessions.

Read: Dad forbids daughter from live streaming: 'She’s too pretty.'

AFTERMATH OF COUPLE’S ODD RIFT

Naging usap-usapan sa Hapur district ang marital dispute nina Nisha at Vijendra hindi lang dahil sa kakaibang trigger ng kanilang away kundi pati na rin ang kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Ang masaklap: nawalan ng trabaho si Vijendra dahil sa isyu.

At hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito nakahahanap ng bagong trabaho.

Maselan ang employer nito at ayaw na may kinasasangkutang legal issues ang mga empleyado.

Kung saan-saan na nag-apply si Vijendra para hindi mabakante, pero hindi pa sinusuwerteng ma-employ muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat binawi na ni Nisha ang reklamo, ang personal na relasyon ng couple ay tuluyan nang nagkalamat.

Sa ngayon, naghiwalay na sila.

Ni isa sa kanila ay hindi na nagsalita sa media tungkol sa kanilang malungkot na ending.

Read: Drunkards’ association protests against rising alcohol prices

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inireklamo ng isang misis ang mister dahil pinagbawalan siya nitong mag-social media para mas makapag-focus sa mga gawaing bahay. Dahil doon, nabawasan ang kanyang followers. (Photo: Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results