Inalerto ng 62-year-old man sa France ang pulisya at iniulat na naiwan niya ang kanyang misis sa isang highway gas station.
Ang problema, hindi niya matandaan kung saang gas station niya ito naiwan.
Ang insidente ay naganap noong July 4, 2025.
Iniulat ito ng news website na en.yabiladi.com last July 7.

Napag-alamang ang emergency call ng lalaki ay natanggap ng police station na nakatalaga sa Landes region ng southwestern France.
Hindi na siya pinangalanan.
Bumibiyahe umano sila ng kanyang misis at 22-anyos na anak papuntang Morocco sakay ng kanilang sasakyan nang mangyari ang insidente.
Read: Wife sues husband for making her do chores instead of content
Husband Forgets to Check if Wife Is in the Car
Sa isinagawang imbestigasyon, ilang beses silang huminto sa mga nadaanang gas stations para magkarga ng gasolina.
Sa isa nilang paghinto, agad umalis ang lalaki nang hindi pa pala nakasakay ang kanyang misis na noo'y nasa comfort room.
Nakalimutan din niyang i-check kung nasa upuan na ito.
Namalayan na lang ng mister na wala ang misis sa sasakyan nang malayo na ang kanyang namaneho.
Read: Boy neglected by mom turns to dogs for company; learns to bark instead of speak
HUSBAND CAN’T REMEMBER THE GAS STATION
Agad huminto ang lalaki at tumawag sa emergency hotline ng pulisya.
Pero hindi niya maipaliwanag sa mga pulis kung bakit niya naiwan ang misis at bakit hindi niya rin matandaan kung saang gas station.
Sa ulat ng local media na France 3, sinabi ng pulisya na: “We received this rather confusing call around 8:30 A.M.
“The man no longer knew where he had stopped or when.
“The gentleman mentioned a break he had made near Orleans. We contacted our colleagues on site to have them check.”
Read: Man swallows spoon while drunk; thinks it’s a dream for 6 months
DAUGHTER IS ASLEEP, CLUELESS WHAT’S HAPPENING
Ang isa pang kakatwa, wala ring maibigay na impormasyon ang anak nila dahil lagi itong tulog sa sasakyan.
Wala rin itong kamalay-malay na naiwan na pala ng ama ang ina sa kung saan.
Nag-check ang mga pulis sa iba’t ibang area na may gasolinahan, pero hindi makita si misis.
Read: Henry, the world’s oldest crocodile at 124, has had 6 partners
POLICE INVESTIGATES THE HUSBAND
Nagduda tuloy ang mga pulis na baka sadyang iniwan ng lalaki ang misis.
Nakitaan kasi ng inconsistencies ang salaysay ni mister.
Ang sinabi niya ay parehong sa likurang bahagi ng sasakyan nakaupo ang mag-ina, pero sa surveillance footage ay nakitang sa unahan nakaupo ang anak.
Isinailalim nila ito sa imbestigasyon.
Nirebisa ng mga imbestigador ang toll gate surveillance footage para ma-trace ang naging ruta ng sasakyan at makita kung saan nawala ang misis.
Read: Man discovers ex-GF files marriage license without his consent
POLICE FINALLY LOCATES THE WIFE
Nagkaroon ng happy ending ang kakaibang kuwentong ito.
Ni-report din ni misis na naiwan siya ng mister sa gas station, kaya na-locate ng mobile network operator ang kanyang kinaroroonan.
Nasa motorway service station ito sa Deux-Sevres, 300 kilometers na ang layo bago nalaman ng lalaki na wala ito sa sasakyan.
Hindi ito umalis sa gas station mula 4:30 A.M., at matiyaga niyang hinintay na balikan siya ng asawa at anak.
Itinuloy pa rin ng mga pulis ang imbestigasyon, at napatunayang nakalimutan lang talaga ng lalaki ang asawa.
Matapos magkita-kitang muli ang mag-anak, nagpatuloy ang kanilang pagbibiyahe papuntang Morocco.
Read: Drunkards’ association protests against rising alcohol prices
