PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

12.6-inch shoe of Roman soldier unearthed in England fort

“Really unusual.”
by KC Cordero
Published Jul 12, 2025
The 12.8-inch shoe
Sobrang laki ng nahukay na sapatos na yari sa pure leather sa isang Roman fort sa England. Ayon sa mga archaeologists, kung ganito kalaki ang paa, posible na napakalaking tao rin ng Roman soldier na nagsuot nito noon. (Photo: The Vindolanda Trust)

Ilang piraso ng malalaking sapatos ang nahukay ng mga archaeologists sa isang Roman site sa northern England noong May 21, 2025.

Iniulat ito ng news website na livescience.com last June 12, 2025.

Tinatayang mahigit 2,000 years old na sila.

Isa sa mga sapatos ay sobrang laki.

The big shoe
Ang 12.6-inch shoe na nahukay ng mga archaeologists ay yari sa pure leather. Ang iba na gaya ng nasa larawan ay mas maikli ng konti. Photo: The Vindolanda Trust
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa mga archaeologist na nagmula sa Vindolanda Charity Trust, ang sapatos ay may habang 32 centimeters o 12.6 inches.

Kasingsukat ito ng size 49 sa Europe at size 15 sa US.

Yari ito sa pure leather.

Read: 200-year-old condom with erotic art on display in Dutch museum

SHOE OWNER MUST have BEen A VERY BIG ROMAN SOLDIER

Ang malalaking sapatos ay nahukay sa isang defensive ditch, na kalimitang ginagamit ng Romans bilang basurahan, sa Magna Roman Fort sa Northumberland.

At hindi ito nag-iisa.

Sunud-sunod nilang natagpuan ang iba pang malalaking sapatos—bagaman at ang iba ay mas maliit nang konti.

The sole of the shoe
Ang ilan sa nahukay na sapatos ay tanggal na ang pinakaulo kaya hindi madetermina ang eksaktong haba. Photo: The Vindolanda Trust
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit ng senior archaeologist na si Rachel Frame tungkol sa malaking Roman shoe: “really unusual.”

Sa excavation blog, heto ang ilang notes ni Rachel: "This gives us a really good look at how Roman shoes were made.

“Multiple layers of leather were used to form the sole, held together with thongs, stitching, and hobnails.

"Could this one be the largest in the Vindolanda Trust collection? We certainly look forward to finding out!"

Marami nang nahukay na sapatos ang mga archaeologists, at nakaimbak sila sa Vindolanda Charity Trust.

Read: Woman shares shocking physical transformations during pregnancy

SOLDIERS AT MAGNA ROMAN FORT HAVE BIG FEET

Sa ngayon, pinagtitiyagaan ng grupo na matukoy kung aling Roman regiment ang nakaposisyon noon sa Magna Roman Fort.

Sisiyasatin rin ang dahilan kung bakit malalaki ang sapatos ng Roman soldiers na nahukay nila sa Magna Roman Fort kumpara sa ibang kuta.

Natuklasan din ng grupo na sobrang baba ng soil oxygen sa site kaya hindi tuluyang nabulok ang mga sapatos kahit nakabaon sa lupa sa loob ng mahabang panahon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Woman catches cheating husband via toothbrush app

PRESERVING THE ROMAN REMAINS

Itinatag ang Vindolanda Charity Trust trust noong 1970 para maghukay, pangalagaan, at ibahagi ang mga Roman remains sa Vindolanda at Carvoran, na parehong bahagi ng Hadrian's Wall World Heritage Site sa northern England.

Ang team ni Rachel ay nagsasaliksik ng tungkol sa history ng Roman Empire.

Read: Man never gives up on comatose wife; sings to her every day

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobrang laki ng nahukay na sapatos na yari sa pure leather sa isang Roman fort sa England. Ayon sa mga archaeologists, kung ganito kalaki ang paa, posible na napakalaking tao rin ng Roman soldier na nagsuot nito noon. (Photo: The Vindolanda Trust)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results