Sikat ang Viimsi Shopping Center na matatagpuan sa Haabneeme, Estonia, dahil sa giant rock na nasa loob nito.
Ang malaking bato ay hugis kuwadrado at naging isa sa mga attractions.

May circumference itong 22 meters at taas na six meters kabilang ang bahaging nakabaon sa lupa.
Read: YouTuber highlights unbelievably pointed chin in viral videos
GIANT ROCK UNEARTHED DURING CONSTRUCTION
Ayon sa ulat ng 20-year-old website na Neatorama last July 7, 2025, ang giant rock ay sadyang nasa lugar kung saan itinayo ang shopping center noong September 2014.
Pero natuklasan lang ito noong naghukay sila ng mga pundasyon.
Ang unang plano ng construction company ay pasabugin ito para madurog.
Hindi kasi kayang tanggalin dahil sa sobrang laki at bigat nito.
Pero hindi pumayag ang mga residente sa paligid ng shopping center dahil baka may epekto ang pagpapasabog sa lupang kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.
Nang suriin ng mga geologist ang giant rock, natuklasang mahigit 10,000 years na ito at itinuturing na isang “erratic boulder” na kabilang sa nasa talaan ng Estonia na eligible for conservation status.
Read: Bright green pigeon in England attracts tourists
GIANT ROCK INSIDE THE SHOPPING MALL LEFT BEHIND BY GLACIERS
Ang Estonia ay may maraming erratic boulders na mula pa noong ice ages.
Protektado ang mga ito ng pamahalaan.
Sila ang mga batong naukit mula sa glaciers, at ang kanilang komposisyon kumpara sa karaniwang bato.
Dahil dito, napagkukunan sila ng mahahalagang geological clues tungkol sa glaciers at sa nakalipas na ice ages.
Read: Phone case feels like human skin; gets sunburned in sunlight
SHOPPING CENTER’S ORIGINAL DESIGN REVISED TO INCLUDE GIANT ROCK
Dahil sa pagtutol ng mga residente ng Haabneeme, bukod pa sa protektado ng gobyerno ang giant rock, hindi ito ginalaw ng construction company na nagtayo ng shopping center.
Sa halip, binago ang disenyo at plano ayon sa lokasyon ng giant rock.

Nang magbukas ang Viimsi Shopping Center mahigit isang dekada na ang nakalilipas, malaking istorbo sa shoppers ang giant rock—bagaman at may space sa paligid nito na kasya ang shopping cart.
Sa paglipas ng panahon, nakasanayan na ito ng mga tao at naging importanteng bahagi ng establisyemento.
Sa ngayon, madalas itong gamitin bilang display area para sa art works.
Nagsisilbing tourist attraction rin ito sa lugar.
Read: 12.6-inch shoe of Roman soldier unearthed in England fort
