PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman’s number listed on lost cat shirt gets flooded with calls

It was used by a shirt manufacturer without her permission.
by KC Cordero
Published Jul 21, 2025
The T-shirt design and the cat
Isang babae ang walang kamalay-malay na ginamit ang kanyang numero sa isang shirt tungkol sa lost white kitten. Simula 2024, napakaraming tumatawag sa kanya gayung hindi naman nawawala ang kanyang black cat. (Photos: Natasha Lavoie)

Sobrang pagtataka ni Natasha Lavoie na napakaraming tawag na natatanggap ng kanyang telepono simula 2024 hanggang ngayon.

Lahat ay nagtatanong tungkol sa kanyang alagang pusa.

Residente si Natasha at ang kanyang partner na si Jonathan McCurrach ng British Columbia sa Canada.

The couple
Ang mag-partner na sina Natasha at Jonathan. Photo: Screenshot at UPI
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CALLERS SAY THEY FOUND THE WOMAN’S LOST CAT

Ang mga tawag na kanyang natatanggap ay nagsasabing nakita nila ang kanyang nawawalang pusang si Torbo.

Pero ang kakatwa, hindi naman nawawala ang kanyang pusa.

At ang pangalan nito ay hindi Torbo kundi Mauser.

Read: Why is there a giant rock inside this shopping center?

Sa ulat ng news website na www.upi.com last July 18, 2025, sinabi ni Natasha na araw-araw na lang ay may random phone calls siyang natatanggap.

May nag-iiwan pa ng voice mails.

“They say they found my cat, and they want money for my cat."

Pero pagbibigay-diin niya, “My cat's at home in the air conditioning.'"

Read: YouTuber highlights unbelievably pointed chin in viral videos

WOMAN’S PHONE NUMBER LISTED ON T-SHIRT WITH AD ABOUT MISSING CAT

Two weeks ago, isang lalaki ang ilang beses tumawag sa phone ni Natasha.

Nagtaka si Jonathan kung bakit, lalo pa at hatinggabi na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para hindi magselos ang partner, ipinakausap niya rito ang nasa kabilang linya.

Ayon sa lalaking tumatawag, nagbibiro lang umano ito.

Nakabili pala ang anak nito ng T-shirt sa online store at may naka-advertise na pagkakalooban ng cash reward ang sinumang makakakita sa pusang nawawala.

Ang nakalistang phone number ay kay Natasha.

Read: Bright green pigeon in England attracts tourists

WOMAN REACHES OUT TO T-SHIRT COMPANY

Nagsagawa ng online research sina Natasha at Jonathan.

Natuklasan ng couple na ang phone number ay naka-print sa isang T-shirt na ibinibinenta ng Wisdumb NY, isang American company.

Naka-feature sa T-shirt ang isang missing cat poster at ang phone number ni Natasha.

The T-shirt
Ang disenyo ng T-shirt na may phone number ni Natasha. Photo: Wisdumb NY
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinawagan ni Natasha ang T-shirt company para manghingi ng paliwanag kung bakit ginamit ang kanyang phone number.

Ang sabi lang sa kanya ay tapos na ang promotional run ng naturang T-shirt.

Hindi na ulit ito nakipag-communicate sa kanya, at wala na ring naging iba pang paliwanag.

Read: Phone case feels like human skin; gets sunburned in sunlight

MEDIA INTERVENES

Tinanggal na ang partikular na T-shirt sa website ng kumpanya, pero naka-post pa rin sa TikTok.

May overlay text sa isang TikTok video na nagsasabing: “I made this thermal shirt to help find my cat.”

Kaya tuluy-tuloy pa rin ang dagsa ng phone calls kay Natasha.

Ang isa pang kinaiinisan niya, ang T-shirt na ibinibenta ay may larawan ng dalawang white kitten.

Paglalarawan niya sa alaga niya, isa itong short-haired fat black cat.

The woman's cat
Ang alagang pusa ni Natasha na si Mauser. Napakalayo ng hitsura nito sa white kittens sa T-shirt. Photo: Natasha Lavoie
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumulong ang media para maiparating sa kaalaman ng Wisdumb NY ang predikamento ni Natasha.

Ayon sa email na ipinadala ng kinatawan ng kumpanya sa media: "The use of a real number within the art created was not intentional."

Tinanggal na rin umano ang T-shirt maging sa mga online store.

Read: 12.6-inch shoe of Roman soldier unearthed in England fort

WOMAN THINKS SHE DESERVES A T-SHIRT

Hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ng phone calls si Natasha.

Ayaw naman niyang magpalit ng phone number—na taglay ang 604 area code, isa sa mga original area codes sa North America at unang ginamit sa British Columbia.

May high-demand daw at mahirap nang maghanap ng available 604 numbers.

Ani Natasha: "I've had my number for 20 years.

“I don't want to change it.”

Kaya ang tanging naging solusyon niya sa makukulit na tumatawag at sinasabing nakita ang kanyang pusa at nanghihingi ng reward: “I'll just keep not answering."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa rin aniya humihingi ng personal na paumanhin sa kanya ang T-shirt company.

Kaya biro ni Natasha, "I feel like I deserve a T-shirt after this."

Read: Boy gets PHP152K reward after spotting stolen PHP23-M vehicle

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang babae ang walang kamalay-malay na ginamit ang kanyang numero sa isang shirt tungkol sa lost white kitten. Simula 2024, napakaraming tumatawag sa kanya gayung hindi naman nawawala ang kanyang black cat. (Photos: Natasha Lavoie)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results