Isang African grey parrot sa United Kingdom na may pangalang Rocco ang nagawang mag-order sa Amazon sa pamamagitan ng Alexa device ng kanyang owner.
Kasama sa kanyang mga na-order ang strawberries at broccoli.
Ang Alexa ay virtual assistant technology ng Amazon, at napakaraming online shoppers sa buong mundo ang gumagamit nito.
Kumbinasyon ito ng hardware, cloud-based processing, and natural-language understanding para mag-respond sa voice commands.

Kapag nagsalita sa isang Alexa-enabled device, ipinadadala nito ang boses sa cloud ng Amazon para ma-process.
Doon, ang audio ay mako-convert sa text, iaanalisa para sa intent, at saka ipo-formulate ang response.
Ang response ay mako-convert muli sa audio at ipadadala pabalik sa device.
Read: Woman’s number listed on lost cat shirt gets flooded with calls
PARROT’S OWNER FINDS OUT ABOUT THE ONLINE ORDER
Sa ulat ng website na National Animal Welfare Trust, last April 2025 ay nagulat na lang ang owner ni Rocco na si Marion Wischnewski nang atasan ang Alexa na basahin sa kanya ang listahan ng kanyang online order.
Nagulat siyang may kasama roon na strawberries at broccoli, na hindi naman niya inorder.
Ang items ay nagkakahalaga ng US$3 o PHP171.18.
Sa pangambang maulit ang sitwasyon at mas malaking halaga ang kanyang bayaran sa items na hindi naman siya ang nag-order, nag-obserba si Marion.
Hanggang natuklasan niyang si Rocco pala iyon.
Marunong kasing magsalita ang parrot, at ginagaya pala nito ang paraan ng paggamit ni Marion ng Alexa.
Read: Why is there a giant rock inside this shopping center?
MEET ROCCO, THE PARROT
Ang African Grey parrots ay kilala sa kanilang katalinuhan at kakayahang manggaya ng pagsasalita ng tao.
Isa na rito si Rocco na lumaki sa National Animal Welfare Trust (NAWT) sa UK.

May history ito na noong nasa NAWT pa, natuto itong magmura at manlait ng mga bisita.
Naging problema rin ang pag-aalaga sa kanya dahil lagi niyang itinutumba ang lalagyan ng feeds at water.
Na-adopt siya ni Marion, na isang dedicated staff ng NAWT, at iniuwi sa bahay para roon na alagaan.
Read: YouTuber highlights unbelievably pointed chin in viral videos
PARROT ALSO ORDERS OTHER STUFF
Mula nang mapaulat sa media ang tungkol kay Rocco na natutong gumamit ng Alexa at mag-order, naging viral ang parrot sa social media.
Sa isang panayam ay sinabi ni Marion: “Luckily, we never had the products delivered.
“Because we’ve set it up that you have to log on to actually process the order.
“So, we could cancel the items.”
Ibinahagi rin ni Marion na natuklasan niyang nag-order din ito ng watermelon, raisins, ice cream, bumbilya at saranggola.
Read: Bright green pigeon in England attracts tourists
PARROT ALSO USES ALEXA TO LISTEN TO MUSIC
Dagdag pang kuwento ni Marion, may mga pagkakataon na dumarating siya sa bahay na ine-enjoy ni Rocco ang pakikinig ng romantic music sa Alexa.
Natutunan din nito kung paano patugtugin ang device.
"He loves to dance and has the sweetest personality."
Sambit niya, wala siyang problema sa paggamit ng Alexa.
“The whole family uses it as it’s in the main part of the house.
“I guess that’s why Rocco got used to Alexa because we all talk to it, so he’s just joining in.”
Matapos naman ang insidente, nilagyan na ni Marion ng PIN code ang Alexa.
Yun nga lang, iniisip niyang dahil laging binibigkas ng kanilang buong pamilya ang PIN code, kinakabahan siyang baka matuklasan din iyon ni Rocco.
“There's always a chance he could learn it, but so far, he hasn't."
Read: Man forgets wife at gas station; realizes 300 kilometers later
