Naging laman ng international news at nag-viral sa social media ang Italian mechanic at YouTuber na si Andrea Marazzi, 30.
Nai-convert kasi niya ang isang 1993 Fiat Panda para taguriang world’s skinniest drivable car.
Sa ulat ng web magazine na Designboom last June 26, 2025, tinawag ni Andrea ang sasakyan na Flat Fiat.

Residente siya ng Bagnolo Cremasco, Italy.
Noon pa niya pangarap na makabuo ng makitid na drivable car.
Ni-retain niya ang halos lahat ng original parts ng 1993 Fiat Panda, pero ang special model niya ay isang tao lang ang kasya: ang driver.
Apat pa rin ang gulong nito kahit sobrang kitid ng frame.
Read: Japan recalls China-made toy guns that can fire real bullets
YOUTUBER’S CAR NOT ROAD-LEGAL VEHICLE YET, JUST “CRAZY PROJECT”
Ang Flat Fiat na nilikha ni Andrea ay full-electric powered.
May haba itong 340 centimeters, taas na 145 centimeters, at kitid na 50 centimeters.
Ang timbang ay 264 kilograms (582 pounds).
Dahil maliit ang frame, ang top speed nito ay nasa 15 km/h (9.3 mph) lang.

Ang single charge naman ng battery ay kayang magbiyahe ng hanggang 25 kilometers (15.5 miles).
Hindi masyadong impressive kung tutuusin, pero hindi pa naman road-legal vehicle ang project na ito ni Andrea.

Ginawa raw niya ang “crazy project” para makatawag-pansin at mai-promote ang kanyang junkyard business.
Read: Teen turns mom's Christmas gift into PHP1M-monthly business
YOUTUBER SPENT A YEAR BUILDING FLAT FIAT
Twelve months ang ginugol ni Andrea para mabuo ang Flat Fiat.
Ginamit niya ang resources ng shop na pag-aari ng kanilang pamilya, ang Autodemolizione Marazzi.

Pagbabahagi niya: “It all started here, in our junkyard, but above all, with a crazy idea. Imagination, patience, and days of work.
“A year of cutting, welding, mistakes, and laughter. A year pursuing something that no one had ever done: the narrowest Panda in the world.”
Sa ngayon ay inaasikaso ni Andrea ang official application para kilalanin ng Guinness World Records ang Flat Panda bilang “narrowest car ever built.”
Read: Owner fails to find wallet after it blends with tile pattern
