PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

20-year-old man builds "country" with 400 citizens

He proclaims himself as the President.
by KC Cordero
Published Aug 4, 2025
Photo of Verdis president
Naitatag ni Daniel Jackson ang micronation na Free Republic of Verdis na nasa disputed patch of land sa pagitan ng Croatia at Serbia. Mayroon itong 400 residents. (Photo: Daniel Jackson)

Idineklara ni Daniel Jackson ang sarili bilang president ng Free Republic of Verdis.

Siya umano ang nagtatag ng naturang bansa.

Matatagpuan ang Free Republic of Verdis sa disputed patch of land sa pagitan ng Croatia at Serbia.

The Verdis as shown on map
Ang Free Republic of Verdis sa mapa. Photo: Google

Ang Verdis, ayon sa Wikipedia, ay may lawak na 0.501 square kilometers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa itong kagubatan na nasa Danube River.

Kilala ito sa mapa bilang “Pocket-3 of the Croatia-Serbia border dispute.”

Bilang isang "bansa," mayroon itong sariling bandila, mga opisyal ng gabinete, at currency.

Ang populasyon nito ay tinatayang nasa 400.

Ayon sa ulat ng news website na Fox News last August 2, 2025, opisyal na idineklara ni Daniel ang kasarinlan ng Verdis noong May 30, 2019.

Read: Man chooses country to travel to by throwing dart at world map

MEET THE 20-YEAR-OLD PRESIDENT

Residente si Daniel ng Kent, United Kingdom.

Originally, nagmula siya sa Australia.

Isa siyang digital designer sa Roblox.

Sinimulan daw niyang itatag ang Verdis bilang isang functioning government noong 18 years old lamang siya.

The founder and President of Verdis
Nagkaroon ng interes si Daniel Jackson na itatag ang Verdis matapos malamang ang bakanteng lupa ay walang claimant. Photo: Daniel Jackson
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natuklasan ni Daniel na walang may claim dito alinman sa Croatia at Serbia dahil sa nagaganap na border dispute.

Aniya sa isang artikulong nalathala sa news website na KentOnline last July 28: "Verdis was an idea I had when I was 14.

"It was just a bit of an experiment at first with a few mates.

“We have all dreamed of creating something crazy."

Noong July 31, 2023, sinimulan niya ang proyektong "Inhabit Verdis" para dumami ang naninirahan doon.

Read: Google to pay PHP715K to man captured naked by Street View camera

PRESIDENT AND CABINET CREATE LAWS, NATIONAL LANGUAGE, CURRENCY

Matapos ideklara na isang malayang bansa ang Verdis, lumikha si Daniel at kanyang mga kasamahan ng sarili nilang batas.

Gumawa rin sila ng sariling bandila.

President and some of his cabinet members
Si Daniel Jackson at ang ilan sa mga miyembro ng kanyang gabinete. Photo: Daniel Jackson
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang opisyal na lengguwaheng ginagamit sa Verdis ay English, Croatian, at Serbian.

Euro naman ang currency.

Read: YouTuber converts Fiat Panda into slim, one-seater electric car

HOW TO GET TO VERDIS

Nararating ang Verdis sa pamamagitan lang ng bangka mula sa Osijek, isang lungsod sa Croatia.

Ngayon, mahirap na itong mapuntahan.

Noong October 12, 2023, dinakip ng Croatian police ang ilang residente rito—kabilang si Daniel.

Na-deport sila.

Inisyuhan din siya at ang iba pang na-deport ng lifetime ban para hindi na makabalik sa Croatia—na tanging entry point papuntang Verdis.

Ani Daniel: "They deported us, but couldn’t give a reason why.

"They said we were a threat to homeland security."

Read: Japan recalls China-made toy guns that can fire real bullets

PRESIDENT RUNS HIS COUNTRY THROUGH A SYSTEM CALLED "GOVERNMENT IN EXILE"

Kahit na-deport, pinamamahalaan pa rin daw ni Daniel ang Verdis sa pamamagitan ng kanyang "government in exile."

Inakusahan niya ang Croatia na naglagay ng umano ng surveillance sa shoreline ng Verdis para mahadlangan ang pagpasok niya roon mula sa Serbia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami umano siyang problemang kinakaharap sa Croatian authorities.

Sa kabila nito, gusto niyang magkaroon ng magandang relasyon ang Verdis at Croatia.

Sinabi niyang hindi maganda ang trato ng naturang bansa sa kanya at sa mga naninirahan sa Verdis.

Agresibo umano ang mga ito sa pakikitungo sa kanila.

Read: Teen turns mom's Christmas gift into PHP1M-monthly business

PRESIDENT IS FRIENDS WITH SERBIAN AUTHORITIES

Sa ngayon ay sa Belgrade, Serbia, madalas maglagi si Daniel.

Mas mababait aniya ang mga opisyal ng pamahalaan dito.

At kahit bawal siyang magbiyahe sa Croatia, patuloy niyang isinusulong ang karapatang makabalik sa Verdis at doon na manirahan.

Aniya, kapag naiisip niyang nakapagtatag siya ng isang bansa, napakahiwaga ng damdaming yumayakap sa kanya.

“The main goal there is to get a lot of temporary infrastructure down and to try to start building permanent infrastructure within the first few months.

“It obviously costs a lot in funding and so on. We do have some people that would be willing to help us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangarap niyang tuluyang kilalanin ang Verdis bilang isang bansa.

Pag nangyari na raw iyon, bababa siya sa puwesto at mananawagan para sa isang halalan upang makapagluklok ang Verdis ng mga bagong pinuno.

"I am not interested in power at all.

“I just want to be a normal citizen. It has been eye-opening, and I am quite proud of what I have achieved."

Read: Owner fails to find wallet after it blends with tile pattern

COUNTRY REMAINS AS UNRECOGNIZED MICRONATION

Bagaman at nag-e-exist, ang estado ng Verdis ay nananatiling isang unrecognized micronation sa Southeast Europe.

Hindi pa ito kinikilala ng United Nations bilang isang ganap na bansa.

Napakarami pa nitong pagdaraanan para mangyari iyon.

Dati ay apat lang ang residente rito.

Nagkaroon ng mahigit 15,000 applicants para manirahan dito, pero 400 lang ang pinayagan ng gobyerno ni Daniel para maging official residents.

Aniya, dahil maliit ang Verdis, naging maingat siya at ang kanyang gobyerno sa pagpili kung sino ang maaaring manirahan doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Prayoridad niya ang mga nasa field of medicine at ang mga may kakayahan sa pagpapanatili ng peace and order.

Bawat isa sa mga ito ay pinagkalooban ng national identification card at passport.

Verdisian passports
Ang mga pasaporte ng Verdis. Photo: Daniel Jackson

Pinagbabawalan pa ni Daniel na gamitin ng mga residente ang “Verdisian passport” sa aktuwal na pagbiyahe sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, may mga claims na nagagamit na raw ng mga taga-Verdis ang kanilang passport sa pagbiyahe.

Si Daniel mismo ang nagsabing may kababayan siyang umalis sa Greece gamit ang Greek passport, at matagumpay na nakapasok sa North Macedonia gamit ang Verdisian ID and passport.

Read: Parrot learns to order online and buys snacks

PRESIDENT, OPTIMISTIC HE CAN STILL RETURN TO THE COUNTRY HE FOUNDED

Sa kabila naman ng napakaraming kinakaharap na problema, nananatiling positibo si Daniel na darating ang panahong makababalik siya sa Verdis.

Aniya, walang claim ang Croatia sa Verdis kaya siya at ang mga nananatiling nakatira roon ay may karapatan sa bansang itinatag niya.

“There is no other entity that has previously claimed this land in over 20 years.

“We are the oldest active claimants; even if someone else did turn up there, we would still maintain that we are the legal authorities to be there.”

Wala namang inilalabas na opisyal na pahayag ang Croatia at Serbia sa hiling ng international media tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marahil, batid ng dalawang bansa na ang Verdis ay hindi naman kikilalanin ng ibang gobyerno.

Sa kasalukuyang sitwasyon na kulang sa mga pasilidad at serbisyo, hindi rin tiyak na magkakaroon ito ng mga permanenteng residente.

Read: Woman’s number listed on lost cat shirt gets flooded with calls

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naitatag ni Daniel Jackson ang micronation na Free Republic of Verdis na nasa disputed patch of land sa pagitan ng Croatia at Serbia. Mayroon itong 400 residents. (Photo: Daniel Jackson)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results