Na-capture sa security camera ang pagpasok ng isang black bear sa isang bahay sa West Vancouver, Canada.
Naganap ang insidente noong August 4, 2025.
Ang bahay ay pag-aari ni Kayla Kleine, na siyang nagkuwento sa news website na Newsweek last August 8, tungkol sa regular na pagpunta ng bear sa kanyang bakuran.

Sa partikular na araw na iyon, nakita nitong nakabukas ang pintuan ng bahay kaya sinamantala niya ang pagkakataon at pumasok sa loob.
Mistulang nag-house tour ang bear at naglakad-lakad isa iba’t ibang bahagi ng bahay.
May nakita itong dog food na nakalagay sa bowl, at sinimulang lantakan iyon.
Ang sumunod na eksena: bigla itong nagtatakbong palabas nang sumulpot ang alagang aso ni Kayla at galit na galit na sinugod ang bear.
Read: Drunk man in flip-flops unknowingly completes 8-kilometer run
SMALL DOG CHASES BEAR OUT OF THE BACKYARD
Sa video ay makikita kung paano buong tapang na nilusob ng aso ang bear hanggang sa labas ng bahay.
Halos nilipad ng aso ang hagdan para lang mahabol ang bear.

Makikita rin si Kayla na tarantang sinilip ang nangyayari at agad isinara ang pintuan.
Nakalabas ng bakuran ang bear.
Sa video ay makikitang panay pa rin ang kahol ng aso at galit na galit sa intruder.
Read: Couple sells wedding tickets; earns PHP7.5 Million
THE COURAGEOUS SMALL DOG, A POMERANIAN, weighS ONLY 5 pounds
Ini-upload ni Kayla ang video sa TikTok.
Napag-alamang ang asong humabol sa bear ay ang kanyang three-year-old Pomeranian na si Scout.
Aniya, kilala ang Pomeranians sa kanilang confidence and protective nature, “often acting as if they are larger than they are.”
Nang makita nitong nakapasok ang bear at kinain ang dog food, dahil sa galit ay hindi nito inisip na mas malaki ang bear.
Si Scout ay may timbang lang na five pounds.
Sinabi rin ni Kayla na inakala niyang lalapain ng bear si Scout kaya hinagilap niya ang bear spray sakaling saktan nito ang kanyang pet.
Nagkataon ding wala ang mister niya at nasa trabaho.
Mabuti na lang aniya at tuluyang tumakas ang intruder.
Bukas ang pintuan ng bahay that time dahil masyadong maalinsangan ang panahon.
Read: Shoulder fillers or "Jennie Shoulders," do you want them, too?
SMALL DOG GOT ALERTED BY THE CLANKING SOUND OF ITS FOOD BOWL
Ibinahagi rin ni Kayla na nasa isang kuwarto siya ng bahay at nakikinig ng music kaya hindi niya narinig na nakapasok ang bear.
Kasama niya si Scout na nakahiga naman sa bed.
Pero naulinigan niya ang kalantog ng food bowl ni Scout na parang inuurong sa sahig.
Naramdaman din iyon ng kanyang Pomeranian, at dahil alam nitong bowl niya iyon, naalerto ito, at nagtatakbo palabas ng room.

Agad nitong hinabol ang bear—na sa gulat ay tumakas na lang.
Sa pagtataya ni Kayla, mga apat na minuto na sa loob ng bahay ang bear bago ito naitaboy ni Scout.
Ini-upload din niya ang isa pang video kung saan walang tigil si Scout sa pagmamatyag sa bakuran matapos ang insidente.

Nilagyan niya ito ng caption na: "He's been like this ever since he defeated the bear."
Paglalarawan naman niya sa alaga, "savage defender" ito pero mahilig magpakarga at malambing sa kanyang pamilya.
Read: VIRAL: Photo of orphan lying in mother's chalk outline
NETIZENS PRAISE THE SMALL DOG’S HEROICS
Ang TikTok video ng paghabol ni Scout sa bear ay nakakuha na ng mahigit 4.5 million views at 800K likes.
Tuwang-tuwa naman ang mga nag-comment sa video ni Kayla.
Marami sa mga ito ay may alaga ring Pomeranian.
Pinatotohahan ng mga ito ang pagiging protective at defender ng naturang breed kahit maliit lang.
Anang isang nagkomento: “I had a 4.5 lbs. Pomeranian that ruled the house.
“She kept two pit bulls in line. They didn’t mess with her.”
Hangang-hanga naman ito sa giting ni Scout: “That bear ran and then some.
“Don’t ever think a little Pom is not tougher than they look.”
At ang higit nilang ikinabilib kay Scout: "He jumped all the steps. Was on a mission."
