PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wallet lost under Ford’s hood returned to owner 11 years later

Found by a mechanic
by KC Cordero
Published Aug 18, 2025
Photo of the lost wallet
Maganda ang naging puwesto ng wallet sa ilalim ng hood ng 2015 Ford Edge kaya hindi ito nasira sa loob ng 11 years at milya-milyang pagbiyahe. Kumpleto pa rin ang mga laman nito. (Photo: Screenshot at Kare TV)

Retirado na si Richard Guilford.

Residente siya ng Petersburg, Michigan, USA.

Dati siyang plant mechanic sa sangay ng Ford Motors sa Michigan.

The owner of the lost wallet
Ang former Ford Motors employee na si Richard Guilford na nawalan ng wallet noong 2014.

Eleven years ago, noong nagtatrabaho pa siya sa Michigan Assembly Plant ng automobile giant sa Wayne, nawala ang kanyang wallet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At that time, ilang sasakyang mula sa Chicago ang may electrical issues at kinukumpuni niya.

Pagbabahagi ni Richard sa panayam ng media outlet na KARE-TV last July 21, 2025: "I never wore sweatpants to work, but I did that day.

"And I had my wallet in my shirt pocket."

Namalayan na lang niyang wala na sa bulsa ang wallet.

Read: Jeepney driver apprehended for placing live rooster on the hood

OWNER GIVES UP LOOKING FOR THE WALLET

Hinanap ni Richard at ng kanyang team ang wallet.

Pero 2,000 Ford units ang nasa planta noon, kaya nag-give up na lang sila sa paghahanap.

Ani Richard, nasa nawawalang wallet ang kanyang driver's license at Ford Motor Co. ID.

May laman din itong US$15 in cash at US$250 worth of gift cards mula sa American retailer na Cabella, na kilala sa hunting, fishing, boating, camping, and outdoor recreation merchandise.

Plano pa naman sana niyang gamitin ang gift cards sa pagbili ng Christmas para sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tiny but mighty! Small dog chases off bear over food

ANOTHER MECHANIC FINDS THE WALLET

Nanatiling misteryo para kay Richard kung ano na ang nangyari sa nawala niyang wallet sa loob ng maraming taon.

Kamakailan, isang 2015 Ford Edge ang dinala sa motor shop ni Chad Volk, may-ari ng LC Car Care sa Crystal Lake, Minnesota.

Kailangan nang palitan ang cooling fans ng naturang sasakyan.

The mechanic who found the lost wallet
Ang auto shop owner na si Chad Volks. Photo: Screenshot at Kare TV
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Chad sa panayam sa kanya ng Detroit Free Press, ibinabalik na niya ang air box sa ilalim ng hood ng sasakyan, pero hindi iyon magkasya.

Nang tanggalin niyang muli, nakita niya ang isang wallet na nasa ibabaw ng transmission.

The engine part where the wallet was found
Ang bahagi ng sasakyan kung saan nakita ni Chad ang nawawalang wallet ni Richard. Photo: Screenshot at Kare TV
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Chad, nagulat siya.

Madalas umano siyang makakita ng kung anu-anong bagay sa ilalim ng hood ng mga sasakyang inaayos niya, pero ngayon lang siya nakasugaga ng wallet.

Kadalasan, tools ang kanyang natatagpuan.

Nang siyasatin niya ang wallet, nakita niya ang Ford Motor Co. badge ni Richard.

“I thought, 'I'm going to try finding this guy to see if I can get it back to him.'"

Read: Drunk man in flip-flops unknowingly completes 8-kilometer run

WALLET HAS TRAVELLED MORE THAN 241K KILOMETERS

Nahanap ni Chad si Richard sa Facebook at nakapag-usap sila.

Tanong niya rito: “Is this your wallet?”

Sagot ni Richard: “Did you find that in a car?”

Kinabukasan din ay ipinadala niya via mail ang wallet nito.

Nang matanggap na ni Richard ang wallet, tinawagan niya sa Zoom si Chad.

Aniya sa kapwa mekaniko: “I would have never ever figured in a million years that would still be there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Chad, batay sa odometer ng Ford Edge, may 150,000 miles (241,401.6 kilometers) na ito nang natatakbo nang dalhin sa kanyang shop.

Read: Couple sells wedding tickets; earns PHP7.5 Million

OWNER OF WALLET TO KEEP IT AS A MEMENTO

Tuwang-tuwa si Richard nang muling mapasakamay ang nawawalang wallet.

Biro niya nang makitang buo pa ang US$15 na laman niyon, "It's well-traveled currency."

Maayos din ang kondisyon ng iba pang laman ng wallet.

Sinabi rin niyang pumayag ang Cabela na bigyan siya ng panibagong gift cards.

ID of the owner of the lost wallet
Sariwa pa rin ang company ID ni Richard na nasa nawalang wallet niya kahit exposed iyon sa sobrang init ng makina ng sasakyan. Photo: Screenshot at Kare TV
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa niya, nanigas at medyo malutong na ang wallet.

"Some things in it were hot and crisp, think of how hot that car got.

"It doesn't look like it ever got wet, just hot.”

Dahil aniya sa naging puwesto ng wallet sa ilalim ng hood, nanatiling tuyo kaya na-preserve ito at hindi nasira.

Ang plano ni Richard sa wallet na 11 years na napahiwalay sa kanya: “I want the wallet to stay as it is.

“It is a memento."

Read: VIRAL: Photo of orphan lying in mother's chalk outline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maganda ang naging puwesto ng wallet sa ilalim ng hood ng 2015 Ford Edge kaya hindi ito nasira sa loob ng 11 years at milya-milyang pagbiyahe. Kumpleto pa rin ang mga laman nito. (Photo: Screenshot at Kare TV)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results