PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NETIZENS REACT: Dad scolds Redditor for ordering too much food

Ang ama ang taya.
by KC Cordero
Published Aug 22, 2025
Man with takeout
Natakam ang anak sa pagkain kaya bukod sa main course ay nag-order pa ng side dish. Nang hindi maubos, ipinabalot niya iyon para iuwi. Nag-init ang ulo ng ama. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Pexels)

Last August 3, 2025, ibinahagi sa Reddit ng user na may handle na Professional_Doggie ang naging karanasan sa pagkain sa isang restaurant kasama ang pamilya.

Ayon sa Redditor, ang kanyang ama ang taya sa lakad na iyon.

Nag-order muna siya ng main course.

Pero natakam din siya sa side dish, kaya nag-order din siya nito.

Ang siste, hindi niya naubos ang order kaya humingi siya ng to-go box sa waiter para i-Sharon ang natirang pagkain.

Screenshot of Redditor's post
Ang screenshot ng post ng Redditor. Photo: Professional_Doggie on Rdddit
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang “Sharon” ay ang nausong termino sa pagbabalot ng tirang pagkain sa handaan para iuwi.

Hango ito sa awiting "Bituing Walang Ningning" ni Megastar Sharon Cuneta na may linyang, “…balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal.”

Read: TOTOO BA: Ref magnets spike electric consumption?

REDDITOR’S DAD got mad

Ang hindi alam ng Redditor, uminit pala ang ulo ng ama dahil sa kanyang ginawa.

Makalipas ang 15 minutes, nagkatabi sila sa upuan, at binigyan umano siya nito ng lecture.

Singhal ng ama, ang ginawa ng Redditor ay sobrang rude.

Kapag ibang tao raw ang magbabayad sa pagkain, hindi dapat mag-order nang sobra-sobra kung hindi naman kayang ubusin.

Read: Zoo seeks animal donations as prey for predators

REDDITOR OFFERS TO PAY BACK HIS DAD

Inisip na lang ng Redditor na maganda naman ang intensiyon ng ama kaya siya nito napagsabihan.

Marahil aniya ay gusto lang nitong turuan siya ng leksiyon.

Pero sobrang iritable umano ang paraan ng pagsesermon sa kanya ng ama at halos murahin na siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masasakit din ang binitawan nitong mga salita kaya napikon siya at nagkaroon tuloy sila ng mainitang pagtatalo.

Man holding takeout
Dahil sa pagpapabalot ng anak sa natirang food, nagkaroon sila ng ama ng mainitang pagtatalo. Photo: Pexels

Para matigil na ang kadadakdak ng ama sa Redditor, sinabi niya ritong ibabalik na lang niya kung magkano ang nagastos nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sagot sa kanya ng ama, he was totally missing the point.

Ayon sa post ng Redditor, "I didn't think it was that absurd to get a to-go box.”

Tanong niya, mali ba ang kanyang ginawa?

Read: Wallet lost under Ford’s hood returned to owner 11 years later

MANY NETIZENS AGREED WITH THE FATHER

Sa comments section, maraming kumampi sa ama ng Redditor.

Paalala ng isa netizen: "If someone else is paying, you don't order up big, that's just rude.”

Kung ito umano ang ama ng Redditor: "I wouldn't be happy either. Be a little more respectful next time."

Ikinuwento naman ng isa pa na may pamangkin itong ganun din ang gawi—ang mag-order nang sobra pag inililibre.

Pinayuhan umano nitong tigilan iyon ng pamangkin.

"Not appropriate when someone else is paying."

Isa naman ang nagsabing ang apo nito ay pala-order din ng sobrang pagkain.

Pero matapos ang ilang subo, inaayawan na at hindi inuubos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anang nagkomento, “It's rude and wasteful."

Read: NTA and PNP warn public not to smoke "Tuklaw" cigarette

SOME SIDED WITH THE REDDITOR

May mga kumampi rin naman sa Redditor.

Para sa mga ito, masyadong naging harsh ang tatay.

Sambit ng isa, "What sort of dad doesn't want to feed his kid?”

Kung ito umano ang anak, hindi na uli sasama sakaling magyayang muli ang ama.

Katuwiran naman ng isa: "It is very easy to over-order if you are hungry or if you don't know the portions this place serves.

“You apologized and offered to pay. That should be the end of it."

Read: Jeepney driver apprehended for placing live rooster on the hood

WHAT THE ETIQUETTE EXPERT SAID ABOUT THE “SHARON” SITUATION

Ang post ng Redditor ay naitampok ng news website na Fox News Digital last August 10.

Hiningan ng media outlet ng opinyon ang Texas-based etiquette expert na si Pat Durham tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Pat, parehong mali ang pagkaka-handle ng mag-ama sa sitwasyon.

Paliwanag niya, kapag ang isang tao ay naimbitahang kumain sa labas at iba ang magbabayad, dapat maging considerate kung magkano ang magagastos ng nagyaya. “In this instance, ordering an additional side was inappropriate."

Hindi rin naman aniya naging maayos ang pagtrato ng ama sa anak sa partikular na insidente.

Pero, "The offending party missed the whole point."

Read: VIRAL: Photo of orphan lying in mother's chalk outline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natakam ang anak sa pagkain kaya bukod sa main course ay nag-order pa ng side dish. Nang hindi maubos, ipinabalot niya iyon para iuwi. Nag-init ang ulo ng ama. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Pexels)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results