PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wife suffers depression after being seen naked by window cleaners

While she was sleeping
by KC Cordero
Published Aug 27, 2025
Photo of window cleaners
Mahigpit ang bilin ng couple sa management ng building na ipagbibigay-alam sa kanila kung may maglilinis ng mga bintana. Nagulantang na lang ang wife na natutulog nang naked nang makita ang dalawang window cleaners sa bintana habang bukas ang mga kurtina. (Photo courtesy of OC)

Nagkaroon ng depression at anxiety ang isang wife sa Chengdu, China, matapos siyang makitang natutulog nang naked ng dalawang window cleaners sa kanilang high-end apartment.

Iniulat ito ng Chinese media outlet na What’s on Weibo last August 24, 2025.

Woman sleeping naked
Naked kung matulog ang wife kaya mahigpit ang bilin ng couple sa building management na huwag magpapalinis ng bintana nang walang abiso. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa husband ng wife na nakilala lang sa pangalang Mr. Cheng, naganap ang insidente noon pang April 2025.

Mula umano noon, hindi na naging maayos ang mental condition ng kanyang misis.

Read: Wallet lost under Ford’s hood returned to owner 11 years later

WIFE AND HUSBAND INSTRUCTED BUILDING MANAGEMENT TO REMIND THEM OF WINDOW CLEANING SCHEDULE

Ibinahagi ni Mr. Cheng na nagre-rent silang mag-asawa sa isang high-rise unit na nasa luxury apartment complex sa Chengdu, Sichuan province, China.

Ang kanilang buwanang upa ay 10,000 Chinese yuan o PHP79,860.60.

Pagbibigay-diin niya, mahigpit ang naging tagubilin nilang mag-asawa sa front desk ng building na ipagbibigay-alam muna sa kanila kapag maglilinis ng exterior glass.

Ganito rin ang kanilang paalala sa housekeeper.

Maging sa building group chat ay binanggit nila ang ganitong request.

Kaya nagulat na lang ang couple nung may dalawang male window cleaners na lumitaw sa labas ng kanilang bedroom.

Nagulantang ang wife na noon ay completely naked habang natutulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wallet lost under Ford’s hood returned to owner 11 years later

BUILDING MANAGEMENT SHOWS NO CONCERN ABOUT WIFE’S CONDITION AFTER THE INCIDENT

Mula nang maganap ang insidente, ayon kay Mr. Cheng, hindi na naging normal ang takbo ng buhay ng kanyang wife.

Aniya: “It’s been almost four months now, and the doctor diagnosed her with depression and anxiety.

“I’ve demanded a public apology and a reasonable compensation package from the apartment management, but they’ve refused.”

Nang una umano siyang magreklamo tungkol sa nangyari, nagpadala ang management ng representative para mag-sorry.

May bitbit din itong prutas bilang peace offering.

Pero ani Mr. Cheng, “They haven’t expressed any concern for my wife’s depression in over three months.”

Read: 20-year-old man builds "country" with 400 citizens

WIFE CONSIDERS THE INCIDENT AS SHOCKING AND DEGRADING

Pagbabahagi pa ni Mr. Cheng, nang maganap ang insidente ay completely naked ang kanyang wife habang natutulog sa kama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakabukas din ang mga kurtina ng kuwarto.

Kitang-kita raw siya ng dalawang window cleaners sa ganoong sitwasyon.

Sinabi umano sa kanya ng misis na bumaba ang tingin nito sa sarili dahil sa nangyari.

Naging malungkutin umano ito at nagkaroon ng depression.

Read: Google to pay PHP715K to man captured naked by Street View camera

Building management offers a discount to the couple, but...

Nag-demand ang couple ng compensation sa building management.

Nakatanggap sila ng offer na 600 Chinese yuan o PHP4,790.17 discount para sa kanilang next lease contract.

Pero dahil nagbabayad sila ng 10,000 yuan per month, hindi interesado ang couple sa offer.

Naging aktibo si Mr. Cheng sa pagpapakalat sa social media ng China ng tungkol sa insidente para ma-pressure ang management na magbigay ng mas katanggap-tanggap na compensation sa nangyari sa kanyang wife.

Read: YouTuber converts Fiat Panda into slim, one-seater electric car

NETIZENS’ COMMENTS ABOUT THE INCIDENT TURN INTO DEBATE OVER PRIVACY VS SOCIAL CLASS

Ang insidenteng ito ay naging mitsa ng mainit na online debate sa Chinese social media, partikular sa Weibo, ang counterpart ng X sa naturang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa nagkomento ang sinisisi ang property management dahil tila hindi binigyan ng pansin ang bilin ng couple.

May mga nanisi rin sa wife kung bakit ito natutulog nang naked habang nakabukas ang mga kurtina.

Marami rin ang bumatikos sa napakababang offer na discount ng management sa lease renewal ng couple, at kung bakit hindi naghain ng iba pang solusyon sa isyu.

Nauwi rin ang talakayan sa pagkakaiba ng social class ng mga tao sa China.

Mayroon umanong kinakailangang umakyat sa napakataas na gusali, maglinis ng mga bintana, at ilagay ang buhay sa panganib para lang kumita, pero mairereklamo sila ng isang ginang na natulog nang hubo’t hubad sa marangyang apartment.

Sa halip na matalakay ang tungkol sa privacy ng wife, nauwi ang diskusyon sa pagbibigay ng simpatya sa window cleaners.

Ang latest, dahil sa nangyari ay nagdesisyon si Mr. Cheng na kapag nag-end na ang kanilang lease contract, lilipat na ang couple ng tirahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa siyang sa panibagong lugar ay magbabalik sa normal condition ang kanyang wife at makakalimutan ang masaklap na nangyari sa kanya.

Read: NETIZENS REACT: Plane passenger clips toenails mid-flight

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahigpit ang bilin ng couple sa management ng building na ipagbibigay-alam sa kanila kung may maglilinis ng mga bintana. Nagulantang na lang ang wife na natutulog nang naked nang makita ang dalawang window cleaners sa bintana habang bukas ang mga kurtina. (Photo courtesy of OC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results