PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wife uncovers husband’s affair via failed contraceptive e-payment

The husband's pharmacy membership card was linked to wife’s phone number.
by KC Cordero
Published Aug 30, 2025
Photo of pharmacy
Para sa mistress ang biniling contraceptives ng lalaki. Nang magkaroon ng system problem sa pagbabayad, tinawagan ng pharmacy staff ang phone number na associated sa membership card—na nagkataong sa wife nito kaya nagkabukingan. (Photo for illustration purposes only courtesy of Pexels)

Isang husband sa China na nagtangkang palihim na bumili ng birth control pills ang hindi sinasadyang nabunyag ang extramarital affair.

Nag-fail kasi ang kanyang e-payment sa pharmacy.

Dahil doon, kinontak ng staff ang kanyang wife para singilin ito sa payment.

Photo of birth control pills
Photo of birth control pills. For illustration purpose only. Photo: Pexel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng South China Morning Post last August 22, 2025, nagpunta ang naturang mister, na hindi na tinukoy ang pangalan, sa Pinggang branch ng Dashenlin Pharmacy na nasa Yangjiang, Guangdong province.

Sinubukan niyang bumili ng contraceptive pills gamit ang kanyang mobile payment code.

Pero dahil sa “system problem,” hindi na-process ang payment na nagkakahalaga ng 15.8 yuan o PHP 126.29.

Dito nabuking ang mister.

Read: Wife suffers depression after being seen naked by window cleaners

HUSBAND’S PHARMACY MEMBERSHIP CARD LINKED TO WIFE’S PHONE NUMBER

Tinawagan ng pharmacy staff ang phone number na associated sa membership card ng mister para makuha ang payment for the contraceptive pills.

Ang partikular na phone number ay sa wife nito.

Naturalmente, nang tawagan ang wife, nagtanong ito sa pharmacy staff kung para saan ang purchase.

Ang sagot: contraceptive pills.

Ang siste, hindi pala gumagamit ng pills ang wife ng mister.

Nabuko tuloy ng wife si husband na ang gagamit niyon ay ang kulukadidang nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Right there and then, na-reveal ang extramarital affair ng mister.

Read: Customer sets cafe-bar on fire after being denied of mayonnaise

HUSBAND BLAMES PHARMACY FOR THE COLLAPSE OF TWO FAMILIES

Hindi na nabanggit kung gaano na katagal ang marriage ng couple.

Wala na ring nakuhang datos kung matagal na rin ang extramarital affair ng mister sa ibang babae.

Gayunpaman, ipinagdidiinan ngayon ng mister na dahil sa insidente, nasira ang pamilya niya at maging ang pamilya ng kanyang mistress.

Pinapanagot niya ang pharmacy sa nangyari.

Read: Zoo seeks animal donations as prey for predators

HUSBAND AIRS ANGER ON SOCIAL MEDIA

Idinaan ng mister sa social media ang kanyang sitwasyon.

Nag-upload siya ng video sa Weibo, ang counterpart ng X sa China, na ipinapaliwanag ang buong pangyayari.

Ipinagtatanggol umano niya ang sariling karapatan, at sinabing nilabag ng pharmacy ang kanyang privacy dahil sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanyang purchase.

Galit na galit na sambit ng husband sa video: “Now my wife knows everything, and two families are on the brink of disintegration.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I want to know… does your pharmacy bear any responsibility?”

Sa video ay naglagay ang mister ng resibo ng biniling medication, at ng screenshot ng chat history sa pagitan ng store clerk at ng kanyang wife bilang mga ebidensiya.

Bukod dito, ipinakita rin niya ang police report ng insidente na may petsang August 12.

Ipinagbigay-alam pala niya ang nangyari sa Pinggang Police Station.

Read: Wallet lost under Ford’s hood returned to owner 11 years later

HUSBAND PLANS TO SUE PHARMACY; LEGAL EXPERT SAYS HIS CHANCE OF WINNING IS VERY SLIM

Plano ng mister na kasuhan ng invasion of privacy ang pharmacy.

Pero para sa isang Chinese legal expert, napakaliit ng kanyang tsansang manalo.

Sa panayam ng Chinese media kay Fu Jian, director ng Henan Zejin Law Firm: “On one hand, the man’s infidelity is the primary cause of the family breakdown, and he must accept responsibility for his actions.

“On the other hand, if the pharmacy did violate his privacy, it should also be held legally accountable.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala niya sa mister: “If he wants to pursue legal action, he must provide sufficient evidence to demonstrate a causal link between the pharmacy’s disclosure of information and the collapse of his marriage.”

Binanggit din ni Fu ang isang glaring fact na magpapahina sa argumento ng mister: “Based on the current circumstances, the phone call made by the pharmacy staff appears legitimate and not intended to leak information, making it extremely difficult for the unfaithful man to claim a violation of his rights.”

Read: Couple sells wedding tickets; earns PHP7.5 Million

NETIZENS CONDEMN HUSBAND

Nang mag-viral ang insidente sa social media ng China, naglunsad ito ng masigla at kabi-kabilang talakayan ng netizens.

Maraming sa kanila ang nagkondena sa palikerong husband.

Ayon sa mga ito, nakakatawa na nangaliwa na nga ang mister, ang tingin pa rin nito sa sarili ay ito ang tama.

May nagsabi ring masyado itong drama king.

Sinisisi umano nito ang pharmacy clerk gayung kaya nasira ang pamilya niya ay dahil sa pagtataksil niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami naman ang natatawa sa kawalan ng pag-iingat ng mister sa ginagawang pangangaliwa, lalo na ang paggamit sa pharmacy membership card na naka-link sa phone ng misis.

Read: Google to pay PHP715K to man captured naked by Street View camera

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa mistress ang biniling contraceptives ng lalaki. Nang magkaroon ng system problem sa pagbabayad, tinawagan ng pharmacy staff ang phone number na associated sa membership card—na nagkataong sa wife nito kaya nagkabukingan. (Photo for illustration purposes only courtesy of Pexels)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results