PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman unknowingly pregnant gives birth in toilet

Her condition is called “cryptic pregnancy.”
by KC Cordero
Published Sep 6, 2025
Helen Green outside the hotel room
Nagising si Helen Green na masakit ang tiyan kaya napatakbo siya sa banyo. Nagulat na lang siya dahil nakaramdam siya ng urge na umire nang malakas—at biglang lumabas ang baby. (Photos courtesy of SWNS)

Residente sina Helen at Michael Green ng Bristol, Southwest England.

Pareho silang 45 years old.

Last May 2025, nagdesisyon ang couple na magbakasyon sa Toronto, Canada, for a 10-day road trip.

The couple
Ang couple na sina Helen and Michael Green. Photo: NYP

Kasama nila ang six-year-old daughter na si Darcy.

Dumating sila sa hotel na tutuluyan noong May 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsapit ng alas onse ng gabi, natulog na ang mag-anak.

Read: Aunt blames niece after accidentally eating dog food during visit

MOM'S SUDDEN TRIP TO THE COMFORT ROOM

Sa ulat ng news website na Unilad last August 19, wala pang tatlong oras matapos makatulog, nagising si Helen na masakit ang tiyan.

Dali-dali siyang tumakbo papuntang toilet.

Sa hindi niya malamang dahilan, nakaramdam siya ng urge na umire.

Ayon sa panayam ni Helen sa UK-based news agency na SWNS, wala umano siyang idea kung ano ang nangyayari.

Basta sinusunod na lang niya kung ano ang gusto ng kanyang katawan.

At matapos ang dalawang beses niyang pag-ire nang malakas, laking gulat niya sa nangyari: “There was a baby. So, I picked her up out of the loo and held her in my arms.”

Read: Impostor dentist arrested for attaching veneers with super glue

MOM IS CLUELESS ABOUT PREGNANCY

Gayun na lang ang pagkabigla ni Michael nang maalimputangan sa uha ng baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad siyang tumawag ng emergency.

Ilang fire crew ang agad na dumating at inihatid sila sa Mount Sinai Hospital.

Ani Michael, pareho silang confused ni Helen.

Hindi nila lubos na madalumat kung ano ang nangyayari.

“We didn’t know if the baby was well or whether it was full term.

“We didn’t even check to see whether it was a boy or a girl—a paramedic told us.”

Photo of Baby Olivia
Ang baby nina Michael at Helen. Photo: Birmingham Live Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Girl ang naging baby.

Pinangalanan nila itong Olivia.

Pagbabahagi naman ni Helen, wala talaga siyang kaalam-alam na pregnant siya.

“Everything seemed completely normal.

“I worked, exercised, wore the same clothes and ate the same food as usual.”

Maging ang mga doctor sa hospital kung saan siya dinala ay nasorpresa.

Read: NETIZENS REACT: Owner brings tattooed dog to pet fair

MOM EXPERIENCES THE SO-CALLED “CRYPTIC PREGNANCY”

Ang naranasan ni Helen ay ang tinatawag ng mga medical professionals na “cryptic pregnancy.”

Hindi namamalayan ng babaeng may cryptic pregnancy siya dahil regular pa rin ang kanyang monthly periods sa panahon ng pagbubuntis.

Sa kaso ni Helen, bukod sa hindi lumaki ang kanyang tiyan, wala rin siyang naramdamang sintomas gaya ng paglilihi o pagsama ng pakiramdam paminsan-minsan.

“In the hospital, they kept asking me about the pregnancy, and I couldn’t answer them.

“I just kept saying ‘I don’t know.'”

Read: Daughter uses a month’s salary to grant dad’s dream hotel stay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MOM HAD PREVIOUS MISCARRIAGES

Ibinahagi rin ni Helen na ilang beses siyang nagkaroon ng miscarriage matapos ipanganak noon si Darcy.

Mayroon din siyang 18-year-old son, si Harry.

At sa dalawang beses niyang pagbubuntis, laging malaki ang kanyang tiyan.

Ang buong akala nga niya, dahil sa kanyang edad ay nasa stage na siya ng perimenopausal—ang phase bago tuluyang maging menopause ang babae.

Ito ang panahong nakakaramdam ang kababaihan ng hormonal fluctuations, irregular periods, hot flashes, lack of sleep, at mood swings

Read: Wife uncovers husband’s affair via failed contraceptive e-payment

COUPLE'S' FAMILIES AND FRIENDS are SHOCKED

Bagaman at sobrang na-shock ang couple, masayang-masaya sina Helen at Michael sa pagdating ni Olivia sa buhay nila.

Ang pangalan ng baby ay isinunod nila sa isa sa mga nurses sa hospital na nag-asikaso kay Helen.

Agad din nilang ipinagbigay-alam sa kanilang mga kapamilya at mga kaibigan ang pambihirang pangyayari.

The Green family
Ang mag-anak na Green. Photo: Manchester Evening News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-send sila sa mga ito ng larawan nilang mag-anak.

Sa isang photo ay karga ni Darcy ang bunsong kapatid.

Maging ang mga malalapit sa kanila ay hindi makapaniwala sa naganap.

Read: Wife suffers depression after being seen naked by window cleaners

FAMILY FACES PROBLEM LEAVING CANADA

Agad ding na-discharge sina Helen at Olivia sa hospital.

Gayunpaman, hindi agad nakaalis ang buong pamilya sa Canada.

Wala pa kasing mga dokumento si Olivia.Kinailangang maproseso ang birth certificate at passport niya.

Ani Helen, malabangungot ang pinagdaanan nila para maikuha si Olivia ng mga requirements for travel.

Ang hawak lang kasi nilang dokumento ay discharge papers mula sa hospital.

“There was confusion over whether she was a home birth because she was born in a hotel, or a hospital birth because the placenta was delivered in a hospital.”

May mga dokumento pa silang pinapirmahan mula sa mga doktor na nag-asikaso sa kanya at sa paramedics na nagdala sa kanya sa hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Helen, ang buong proseso bukod sa sobrang stressful ay nakakaubos ng lakas.

Para malibang, namasyal na lang ang pamilya sa CN Tower at Niagara Falls.

Nanood din sila ng tatlong baseball games.

Sinubukan nilang mag-enjoy, pero hindi mapigilan ng mag-asawa ang mag-alala dahil habang tu

Araw-araw rin nilang nilalakad ang birth certificate at passport ni Olivia.

“But great at the weekends when all the offices were closed and there was nothing we could do about it.”

Read: Customer sets cafe-bar on fire after being denied of mayonnaise

Couple Spent More Than They Budgeted for Vacation

Nakabalik sa England ang pamilya nina Helen at Michael noong June 25.

Inabot ng mahigit isang buwan ang kanilang stay sa Canada.

Nakagastos sila ng karagdagang US$12,200 (PHP695,192.35) kumpara sa inilaan nilang budget para sa pagbabakasyon.

Kabilang sa mga dumagdag na gastos ang US$5,400 (PHP307,737.72) for the hospital fees; mahigit US$2,700 (PHP153,868.86) sa hotels; at US$1,400 (PHP79,785.26) sa pagrerenta ng sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa kasama riyan ang gastos sa pagkain, pamamasyal, at mga gamit ni Olivia.

Umaasa ang couple na sasagutin ng kanilang travel insurance ang ilan sa kanilang mga nagastos.

Aminado si Helen na mahirap sa ngayon ang magplanong magkaroon ng baby.

“But it’s something else when you didn’t know you were pregnant.”

Makalipas aniya ang ilang araw ay nakasanayan na uli niyang maging mommy sa kanyang newborn.

Paglalarawan niya kay Olivia: “She’s such a joy.”

Read: Zara Dar: from computer geek to OnlyFans content creator

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagising si Helen Green na masakit ang tiyan kaya napatakbo siya sa banyo. Nagulat na lang siya dahil nakaramdam siya ng urge na umire nang malakas—at biglang lumabas ang baby. (Photos courtesy of SWNS)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results