PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NETIZENS REACT: Employee fired two days after being hired

Ang saklap!
by KC Cordero
Published Sep 9, 2025
Photo of a disappointed man
Nag-resign siya sa unang trabaho para lumipat sa panibagong kumpanya. Ang masaklap, tinanggal naman agad siya ng bagong employer makalipas lang ng dalawang araw. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Pexels)

Ano ang iyong magiging pakiramdam kung pagkatapos mong matanggap sa isang trabaho ay nasibak ka rin agad pagkalipas ng dalawang araw?

Ganito ang naging karanasan ng Redditor na si Longjumping_Cat_5248.

Isa siyang Indian national.

Redditor ang tawag sa registered user ng social media app na Reddit.

Screenshot of Redditor's post
Ang screenshot ng post ng Redditor. Photo: Reddit
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang Reddit post last September 8, 2025, ibinahagi niyang natanggap siya sa isang kumpanya.

After two days, sinabihan siya ng management na ang hinahanap ng mga ito ay empleyadong akma sa managerial role.

Agad-agad din siyang tinanggal.

Wala siyang natanggap na separation pay.

Read: Lotto bettor finds out he hit the jackpot almost 1 year later

EMPLOYEE leaves old JOB for new employer; gets ditched

Ang mas masakit para sa Redditor, nag-resign pala siya sa dating pinapasukan para mag-apply sa kumpanyang sumibak din agad sa kanya.

Pagbabahagi ni Longjumping_Cat_5248 sa kanyang post, published as is: "I was working in a small company in Gurgaon as a financial analyst for two years and in July got a switch to a food-based D2C startup in Saket for a junior FP&A role.

"Manager told me that now they are looking for managerial role who can take more responsibilities and accordingly laid off me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala na umano siyang nagawa.

“I just accepted the fate and left the office."

Read: Woman unknowingly pregnant gives birth in toilet

EMPLOYEE SUFFERS FROM MENTAL AND PHYSICAL STRESS

Ibinahagi rin ng Redditor na ang pagkawala ng trabaho ay naghatid ng “serious toll” sa kanyang mental and physical health.

Pagkatapos aniyang masibak, hindi na siya nakakita muli ng trabaho.

Wala ring panibagong oportunidad na lumalapit sa kanya.

Ang isa pang panibagong dagok sa kanya, hindi na siya makabalik sa kanyang unang employer.

“They have hired my replacement, and he is doing good work there."

Pagsisiwalat pa niya tungkol sa pumalit sa kanya sa unang trabaho, “I only gave him the training.”

Ani Longjumping_Cat_5248 sa kanyang post: "If possible, can anyone help me to navigate this or provide any valuable insights."

Read: Aunt blames niece after accidentally eating dog food during visit

NETIZENS SYMPATHIZE WITH THE EMPLOYEE

Maraming Redditors ang nagpaabot ng simpatya sa nangyari kay Longjumping_Cat_5248.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nagpayo sa kanya na pangalanan ang employer na basta na lang nanibak sa kanya.

Anang isang nagkomento sa kanyang post: "Name and shame them.

“They can't lay off someone instantly without severance pay."

Sabi ng isa pa, magkonsulta si Longjumping_Cat_5248 sa abogado.

"There has to be some legal consequences for this.”

May nagbahagi rin ng katulad ng kanyang karanasan.

Anito: "Two years ago I got laid off from Capgemini and it took around six months to get a new job.

“I feel like I was not good enough, so they laid me off and my mind filled with lot[s] of regret.

“But fast forward to today, and now I'm earning well and relaxed.

“So, my point is hold on, and I am sure you will get a very good offer."

Sinusugan ito ng isa pa at nagpayo kay Longjumping_Cat_5248 na: "Keep applying, and if you failed in any interview, then do not feel bad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You never know how others are trying.

“I have seen a few friends who failed every day, and they are out of my league now."

May mga nag-offer din sa kanya ng possible employment.

Paalala sa kanya ng iba, sakaling makakita siya muli ng trabaho tulad ng sa una niyang employer, pag-aralang maging loyal lalo na kung maayos naman ang palakad.

Sa panahon umano ngayon, mahirap talagang makakita ng ideal job at employer—gaya ng naranasan niya sa huli niyang pinagtrabahuhan.

Read: Impostor dentist arrested for attaching veneers with super glue

EMPLOYEE IS TRYING TO MOVE ON

Sa reply niya sa commenters, sinabi ni Longjumping_Cat_5248 na hindi worth it kung kakasuhan pa niya ang employer.

Hindi rin naman aniya kagandahan ang makukuha niyang compensation package kung sakali, at lugi pa siya sa ibabayad sa lawyer.

Sa ngayon ay sinisikap niyang maka-move on.

Lumipas na rin, aniya, ang naramdamang sakit ng kalooban—hindi gaya nang unang sabihan siya ng management na hindi siya talaga ang employee na kailangan ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas gusto niyang mag-focus sa paghahanap ng bagong trabaho.

Mensahe niya sa mga nagkomento, “Thanks for the wishes and motivation.”

Read: NETIZENS REACT: Owner brings tattooed dog to pet fair

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-resign siya sa unang trabaho para lumipat sa panibagong kumpanya. Ang masaklap, tinanggal naman agad siya ng bagong employer makalipas lang ng dalawang araw. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Pexels)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results