PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Store owner almost loses arm after thief bites his hand

The dangers of human bite
by KC Cordero
Published Sep 20, 2025
The store owner's left hand
Ipinaaalala ng mga doktor na ang kagat ng tao ay mas delikado pa kaysa kagat ng aso. Naranasan ito ng isang matandang store owner na kinagat sa kamay ng magnanakaw na nanloob sa kanyang tindahan. (Photo: T4Hub)

Ang kagat ng tao ay mas matindi pa sa kagat ng aso.

Ito ang napatunayan ng isang 60-year-old store owner sa Istanbul, Turkiye.

Matapos tangkaing pagnakawan ang kanyang tindahan, kinagat siya sa kaliwang kamay ng magnanakaw.

Photo of the bitten hand
Ang kaliwang kamay ng store owner na kinagat ng magnanakaw. Photo: T4Hub

Ang insidente ay nangyari noon pang 2024, pero gumulantang ito sa Turkiye ayon sa ulat ng t4newsmedia.com last September 16, 2025, matapos idokumento ng Turkish doctors ang kaso sa medical journal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bride searches for wedding crasher; finds him after four years

THIEF BITES STORE OWNER TO ESCAPE

Ang krimen ay sinubaybayan ng news outlet na Demirören News Agency ng Turkiye.

Naganap ang krimen sa Üsküdar, isang sprawling residential area sa Anatolia, ang Asian side ng Istanbul. Ang Istanbul ang natatanging lungsod sa buong mundo na nahahati sa mga kontinente ng Asya at Europa.

Hababang nagsasara na ng kanyang shop ang store owner, dalawang nakamaskarang lalaki ang nanloob sa kanya.

Nanlaban ang store owner at nagawa niyang madaklot ang isa sa mga magnanakaw.

Desperadong makatakas, kinagat ng magnanakaw ang kaliwang kamay ng store owner.

Sa tindi ng kagat, napilitan ang matandang bitawan ang kriminal.

Parehong nakatakas ang dalawang magnanakaw.

Read: Meet Max: Internet’s most human-looking dog

STORE OWNER gets SICK, HOSPITALIZED

Ginamot ang kamay ng store owner sa isang clinic.

Pinauwi na rin siya kaagad.

Makalipas ang ilang araw, nilagnat siya at nakaranas ng panginginig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namaga rin nang todo ang kanyang kamay na kinagat ng magnanakaw.

Dinala siya sa Sultan Abdulhamid Han Training and Research Hospital.

Noong mga sandalling iyon ay halos doble na ang laki ng kanyang kamay dahil sa pamamaga.

Nag-iba na rin ang kulay nito.

Read: Lawyer “Mark Zuckerberg” sues Facebook after he is banned

STORE OWNER INFECTED BY THIEF’S BITE

Sa loob ng dalawang linggo, ginamot ng mga doktor ang infection sa kamay ng store owner.

Pero walang naging progreso.

Doon na pinag-usapan na dapat nang putulin ang kamay nito para hindi na kumalat pa sa ibang bahagi ng katawan ng matanda ang infection.

Bago isinagawa ang amputation, bilang last resort, isinailalim ang store owner sa hyperbaric oxygen therapy.

Sa pamamagitan ng naturang therapy, puwersahang ipapasok ang oxygen sa infected tissue para mapatay ang bacteria at mapabilis ang paggaling ng sugat.

Sa kabutihang palad, umepekto naturang therapy sa kamay ng store owner.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Humupa ang pamamaga sa loob ng ilang araw kaya nagawang tanggalin ng mga doktor ang dead tissue.

Matapos ang ilang buwan ng physiotherapy, muling nagamit ng matanda ang kanyang kamay.

Sa panayam ng Turkish media kay Dr. Yavuz Aslan, isa sa attending physicians ng store owner, sinabi nitong: “Bacteria from the human oral flora can cause serious problems by penetrating the subcutaneous tissue.”

Read: Writer becomes famous after NFL star caught reading his book

HUMAN BITE'S BACTERIA CAN WEAKEN LOAD OF ANTIBIOTICS, DAMAGE TISSUE

Ang nangyari sa store owner ay nakatala na ngayon sa medical literature bilang patunay sa panganib na dala ng kagat ng tao.

Ang bacteria na taglay ng tao sa bibig ay hindi kayang sugpuin basta-basta ng antibiotics.

Kaya rin ng kagat ng tao na mapahina ang malusog na tissue sa loob lang ng ilang araw.

Nagpapasalamat ang store owner na na-save pa ang kanyang kamay.

Nanakawan siyang muli—pero mabuti na lang at sa ikalawang pagkakataon ay hindi na siya kinagat ng kawatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay ginagamit ng mga doktor ang kanyang kuwento bilang babala na maging ang pinakamaliit na sugat ay mapanganib.

At ang human bite ay sapat para maputulan tayo ng kamay o paa—o seryosong mapinsala ang anumang bahagi ng ating katawan na mapupuruhan ng kagat.

Read: NETIZENS REACT: Employee fired two days after being hired

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaaalala ng mga doktor na ang kagat ng tao ay mas delikado pa kaysa kagat ng aso. Naranasan ito ng isang matandang store owner na kinagat sa kamay ng magnanakaw na nanloob sa kanyang tindahan. (Photo: T4Hub)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results