Isang grupo ng Japanese scientists ang nagwagi ng 2025 Ig Nobel Prize, ang parody version ng pamosong Nobel Prize.
Nanalo sila sa kategorya ng Biology.
Ano ang ginawa nila?
Pininturahan ng mga scientists ang mga baka ng zebra stripes para hindi dapuan ng mga langaw.
Ni-recognize sila sa “unusual scientific achievements” na ang layunin ay “to make people laugh first and then make them think.”
Ang grupo na binubuo ng11 researchers mula sa Kyoto University at sa Aichi Agricultural Research Centre ay kinilala sa ginanap na awards ceremony sa Boston ngayong September 19, 2025, ayon sa ulat ng news website na The Scientist.
Ito ang 19th consecutive time na tumanggap ng Ig Nobel ang Japanese team.
Ang 35th edition ng annual awards, na inorganisa ng science humor magazine na Annals of Improbable Research, ay isinagawa ilang linggo bago ang pagdaraos ng totoong Nobel Prize awards.
Read: Leatherback sea turtle found dead; preserved for public awareness
THE RATIONALE BEHIND PAINTING ZEBRA STRIPES ON COWS EXPERIMENT
Isinagawa ng Japanese scientists ang experiment para madetermina may epekto ang pagpipintura ng zebra stripes sa dami ng mga langaw na dumadapo at kumakagat sa mga baka.

Binilang din nila kung ilang beses inihahampas ng baka ang buntot nito para bugawin ang mga langaw na dumadapo.
Inihahampas ng baka sa sariling katawan ang buntot nito para matanggal o maitaboy ang mga langaw.
Read: Meet Max: Internet’s most human-looking dog
WHAT THE SCIENTISTS FOUND OUT AFTER PAINTING THE COWS WITH ZEBRA STRIPES
Natuklasan ng Japanese scientists na ang mga bakang pininturahan ng zebra stripes ay mas konti ang dumapo at kumagat na mga langaw by 50 percent kumpara sa mga bakang walang pintura.
Itinala nila sa research paper na ang pagpipintura sa mga baka ay maaaring gawing alternative sa halip na gumamit ng pesticides para hindi putaktihin ng mga insekto ang mga ito.
Sa kabila naman ng kanilang natuklasan, sinabi ng Japanese scientists na hindi pa nila matukoy kung bakit hindi masyadong attracted ang mga langaw sa striped animals.
Read: Guinness most expensive cow sold for PHP246M! What makes its breed so special?
PAINTING COWS WITH ZEBRA STRIPES PUT INTO PRACTICE
Ang idea na ito ng Japanese scientists ay ginagamit na sa Yamagata prefecture, isang area sa Japan na sikat dahil dito matatagpuan ang “best wagyu beef in the world.”
Ang herd of Japanese black cattle dito ay pinipinturahan ng kulay puti para magmukhang zebras.
Ang Japanese black breed cow ay isa sa apat na breeds of cattle na nagpo-produce ng high-end wagyu.
Pininturahan ng zebra stripes ang mga baka dahil matagal nang inirereklamo ng mga tagapag-alaga ang blood-sucking insects, gaya ng cattle flies at gadflies.
Anila, ang kagat ng mga insekto ay sanhi ng mataas na stress levels ng kanilang mga alagang baka, at nakaaapekto sa reproductive rates nila.
Isang opisyal ng agricultural promotion section ng prefecture sa Japanese media ang nagbigay ng pahayag.
Aniya: “Many farmers have hesitated to release their cattle on farmland because they feel sorry for the animals being targeted by gadflies.
“But we can now expect cattle to relax and grow healthily if we give them stripes.”
Sinabi naman ng mga farmers na matapos pinturahan ng zebra stripes ang kanilang mga alagang baka, kitang-kita ang improvement sa kalidad ng mga ito.
Wala naman umanong nababago sa relasyon ng mga bakang hindi pinturado at ng kanilang “striped colleagues.”
Read: Painted cow agaw-eksena sa Valentine’s Day 2024
