Isang 16-year-old Chinese teenager ang gumastos ng 16,700 yuan (PHP136,390.64) para sa body-lengthening treatment sessions.
Matapos ang anim na buwang treatment, nadagdagan ang height niya ng 1.4 centimeters.
Ang masaklap, bumalik siya sa kanyang orihinal na taas makalipas lang ang dalawang linggo.

Nakilala ang teenager sa surname na Huang.
Sa ulat ng South China Morning Post last September 20, 2025, nagsimula si Huang ng treatment mula February hanggang August sa isang hindi na tinukoy na ospital sa Xiamen, Fujian province.
Wala ring ulat kung qualified ang naturang ospital na magsagawa ng ganitong procedure.
Read: Employee laid off after 15 years at company
mora about TEENAGER's BODY LENGTHENING TREATMENT
Isinalaysay ng ama ni Huang na ang height ng kanyang anak noong February ay 165 centimeters.
Matapos sumailalim sa body lengthening treatment, naging 166.4 centimeters pagsapit ng August.
Kaya nung bumalik sa dating height si Huang, nagreklamo ang ama niya sa ospital.
Isang staff umano ang nagsabing masyado nang matanda si Huang para sa procedure.
Ibinalik na lang ng ospital ang nagastos ng teenager sa treatment.
Read: No thumbs? No problem! Man shows what he can do
TEENAGER’S HEIGHT INCREASES, BUT…
Ang ikinadismaya ng ama ni Huang, simula pa lang ay dapat sinabi na ng ospital na hindi na angkop ang age ng teenager para sa procedure.
Naabala umano sila nang todo.
Kada linggo kasi ay dinadala ng matanda ang anak para sa treatment.
Kasama sa procedure ang stretching ng legs ni Huang.
May ginagamit ding medical equipment para sa kanyang mga tuhod.

Nagkataong hindi nakapunta sa ospital si Huang sa loob ng dalawang linggo.
Doong na nadiskubreng walang effect ang treatment.
Noong una ay sinabi ng ospital na nangyari iyon dahil hindi pa kumpleto ang mga sessions.
Kalaunan, inamin ng ospital na hindi na nito mapapatangkad ang teenager.
Read: Cows painted with zebra stripes to keep flies away win award
Stretching bones is not a scientifically proven method for increasing height
Nung nag-viral sa social media ng China ang nangyari kay Huang, ipinaliwanag ng ospital sa panayam ng The Beijing News na ang ginagawang treatment ay naglalayong ma-stimulate ang mga buto sa tuhod ng bata para matulungan itong mas tumangkad.
Pero sinansala ito ng endocrinologist na si Wu Xueyan ng Peking Union Medical College Hospital.
Ani Wu, ang puwersahang pag-i-stretch ng mga buto ay hindi scientific way para madagdagan ang height ng tao.
Sang-ayon naman siyang posibleng tumangkad ang isang tao nang kalahati hanggang isang sentimetro sa pamamagitan ng stretching.
Pero hanggang doon lang—at babalik din sa dati.
Paliwanag ni Wu, “A person in the morning is half to one centimeter taller than themselves in the afternoon.”
Nangyayari aniya ito dahil ang timbang ng isang tao ay nagpapaikli sa spine o gulugod kapag araw.
Sa gabi, nare-relax ang spine kaya nadadagdagan naman ang height ng tao.
Paalala ni Wu: “Humans are not noodles.
“It is unscientific to stretch a person longer.”
Sinabi niyang ang pinaka-epektibong paraan para madagdagan ang height kapag bata pa ang tao ay exercise at sapat na tulog.
Napapalakas aniya ng ehersisyo ang growth hormone levels.
Read: Store owner almost loses arm after thief bites his hand
NETIZENS REACT
Dahil sa nangyari kay Huang, naging mainit na talakayan sa social media ang kanyang sitwasyon.
Ayon sa isang online observer, pagdating sa height ng isang tao, ang 80 percent nito ay dahil sa DNA, at ang 20 percent ay depende sa sleep quality.
Ibig sabihin, kung talagang nasa lahi ang pagiging matangkad at hindi laging nagpupuyat habang bata pa, malaki ang posibilidad na tumangkad.
Argumento naman ng isa, kung sadyang epektibo ang anumang medical procedure para tumangkad, “There would be no short people.”
Sinisi rin ng ilan ang ospital.
“It is a shame that some people are using the anxiety of people to trick them out of money.”
May mga nanawagan naman sa Chinese government na palakasin ang supervision sa mga ospital na nag-o-offer ng mga hindi epektibong procedure.
