Isang kakaibang kaso ng marital rift ang inihain sa family court sa Bhopal, isang central city sa India.
Ayon sa ulat ng news website na Independent last September 26, 2025, isang newlywed couple ang nag-file ng divorce sa naturang court.
Ang dahilan: hindi magkasundo ang mga alaga nilang aso at pusa.

Napag-alamang ikinasal ang couple noong December 2024.
Ang husband na hindi na pinangalanan ay Bhopal resident at isang IT professional na work from home angv set-up.
Ang wife ay nagmula sa northern state ng Uttar Pradesh at may trabaho sa Bhopal.
Hindi na nabanggit kung ano ang trabaho ng wife, gayundin ang mga edad ng couple.
Read: TIPS: How to be a responsible pet owner
Sa isang ulat ng Indian news website na NDTV, nagkagustuhan ang couple dahil pareho silang animal lovers.
May pet dog si husband, samantalang pet cat naman ang kay wife.
Nagsimula ang kanilang pagliligawan sa bonding kasa-kasama ang kanilang pets.
Magkasundo sa umpisa ang dog at cat noong nasa dating stage pa lang ang couple.
Pero nung nagpakasal na at nagsama sa iisang bubong, ang kani-kanilang pets din ang naging mitsa ng walang katapusan nilang argumento.
Read: Meet Max: Internet’s most human-looking dog
COUNSELLORS TRY TO SAVE THE NEWLYWEDS' MARRIAGE
Bahagi ng proseso ng divorce sa family court ng Bhopal ang court-mandated counselling.
Sumailalim dito ang newlyweds.
Sa mga nangyaring sessions, sinabi ng wife na madalas sugurin ng dog ng husband ang kanyang cat.
Lagi ring iniistorbo ng dog ang kanyang cat pag natutulog.
Nagkaroon umano siya ng anxiety dahil lagi siyang nangangamba para sa kaligtasan ng kanyang cat.
Ang pagsasalarawan ni wife sa kasalukuyan niyang predikamento ay “unbearable”.
Ayon pa sa isang ulat ng news website na India Today, walang tigil ang pagtahol ng dog sa cat ni wife kaya laging stressed ang pet.
Read: NETIZENS REACT: Owner brings tattooed dog to pet fair
HUSBAND brings up AGREEMENT ABOUT PETS before THEIR WEDDING
Ang counter argument naman ni husband, bago ang kanilang wedding ni wife ay nagkaroon na sila ng kasunduan.
Isa roon ay hindi nito isasama ang pets nito sa bahay—na sinuway raw ni wife.
Sabi ni hubby: “Despite this, she brought her cat from her parental home.”
Ang naturang pusa aniya ay palagawa ng trouble.
Madalas umano itong lumapit sa kanyang aquarium at tinatangkang kunin ang mga isda.
Bayolente rin daw ito sa kanyang pet dog.
Read: Zoo seeks animal donations as prey for predators
NEWLYWEDS DO NOT WANT TO PARTWAYS WITH THEIR RESPECTIVE PETS
Sa kabila ng pagsisikap ng family court na mag-reconcile ang newlyweds, nabigo sila.
Maging ang magkabilang pamilya nina hubby at wife ay naki-join sa counselling sa pag-asang mapagkakasundo pa ang couple.
Pero ni isa sa couple ay ayaw mapahiwalay sa kani-kanilang pets.
Pahayag ni Family Counsellor Shail Awasthi sa Indian media: “We have tried to counsel the couple several times, but the wife is not willing to give up her cat.
“We are making every possible effort to save this marriage.”
Read: Tiny but mighty! Small dog chases off bear over food
PEOPLE TEND TO PLACE PETS ABOVE HUMAN RELATIONSHIPS
Sinabi ng family court officials na ang unusual case ng couple ay sumasalamin sa "profound problem of growing emotional dependence on animals amid growing social isolation.”
Sambit ni Family Counsellor Shail, “People seek companionship in pets, sometimes placing them above human relationships.”
Ang malungkot lang aniya: “When both partners refuse to adjust, marriages like this collapse.
“It reflects a growing trend of people taking relationships lightly, believing that pets can substitute for human bonds.”
Read: Aunt blames niece after accidentally eating dog food during visit
