Nagkaroon ng sudden cravings si Nathan Rimmington sa cola flavored gummies.
Ang thirty-three-year-old na lorry driver ay residente ng Barnsley, South Yorkshire, England.
Sa ulat ng news website na Mirror last October 1, 2025, sa halip na magpunta sa malapit na grocery, nag-order siya ng gummies online.
Bumili si Nathan ng three-kilogram bulk bag na nagkakahalaga ng £18 (PHP1,401.29) sa Amazon.

Matapos matanggap ang kanyang bag of sweets, naubos niyang kainin ang gummies sa loob ng tatlong araw.
Kinakain niya ang mga iyon pagkatapos ng dinner.
Makalipas ang dalawang araw, nakaramdam siya ng matinding pananakit ng tiyan.
Read: Newlyweds divorce over feuding pets
MAN WAS HOSPITALIZED DUE TO SEVERE STOMACH CRAMPS
Hindi nag-improve ang condition ni Nathan.
Nagpakonsulta siya sa isang general practitioner.
Nang maobserbahan ng doktor na sobrang taas ng kanyang blood pressure, grabe ang pagpapawis at stomach cramps, ini-refer na siya nito sa Rotherham Hospital sa Rotherham, South Yorkshire.
Noong una ay inakala ng hospital staff na baka dumaranas si Nathan ng severe food poisoning.
Pero nang makita ang resulta ng mga isinagawang tests: sobrang taas ng gelatine levels sa kanyang system.
Aminado siyang nagpakasasa sa gummies.
Read: Live to 100? Centenarian says alak and watwat are her secrets
THE DANGER OF OVEREATING GUMMIES DUE TO GELATINE CONTENT
Ang gelatine ay taglay ng lahat ng gummy confectionery.
Nakaka-trigger ito ng bowel blockages kapag napasobra ang kinain.
Sa ilang kaso, kailangan ang surgical intervention para mailigtas ang pasyente.
Natuklasan ng mga doktor na nagkaroon si Nathan ng acute diverticulitis, ang biglaang pamamaga at infection ng large intestine.
Suwerteng hindi na isinailalim si Nathan sa surgery.
Kinabitan siya ng IV drips para malinis ang kanyang system.
Read: Meet Pavel Durov, the man behind Telegram and Dubai’s richest man
MAN REMINDS OTHERS TO EAT GUMMIES IN MODERATION
Sa ngayon ay dumaranas si Nathan ng post-traumatic stress disorder dahil sa naging experience sa gummies.
Hindi na siya kumain nito mula noon.
Ni hindi na siya nalapit sa naturang treats kapag nasa grocery.
Makakita lamang daw siya ng gummies, pakiramdam niya ay maoospital na siya.
Ibinahagi niyang may isang kasamahan sa trabaho na pabirong niregaluhan siya ng gummies para sa kanyang birthday.
Inamin din Nathan ba natakam siya sa biniling gummies noon dahil sobrang mura.
Hindi rin naman umano siya mahilig sa sweets.
Nagkataon lang na noong araw na iyon ay nagkaroon siya ng cravings at hindi nakontrol ang sariling ubusin ang cola flavored gummies.
Nang tanungin umano siya ng mga doktor kung gaano karami ang nakain niya, nagtawanan ang mga ito nang sabihin niyang tatlong kilo.
"I didn't think that was bad. They were laughing and joking about it with me."
Ikinuwento rin niyang sa loob ng anim na araw sa ospital ay wala siyang naging food intake.
Hindi naman niya pinipigilan ang iba na huwag kumain ng gummies.
“My advice to avoid the same thing happening to anyone else would be just do it in moderation.
“Don't go full blast and get kilos of it at a time."
Read: Teen pays PHP130K to get taller; shrinks back after 2 weeks
