Sadyang may mga bagay na hindi matatakasan.
Ganito ang kuwento ng isang lalaking taga-Kansas City, USA.
Halos isang dekada na ang nakalilipas mula nang mangyari ito.
Subalit dahil isa itong pambihirang pangyayari, laging sumusulpot at ipino-post ito sa social media.
Ang siste, tinangkang kumawala ni Lawrence John Ripple, na 70 years old noon, sa piling ng kanyang misis.
Kakaiba ang naisip niyang paraan para makalayo sa misis niya.
Ngunit imbes na makalayo, lalong na-stuck si John sa asawa nang mahatulan siya ng house arrest o house confinement.
Read: Former nun and seminarian end up marrying each other
MAN ROBS A BANK
Noong September 2, 2016, nagtungo si John sa Bank of Labor, isang kanto lamang mula sa Kansas City police headquarters.
Pagdating sa bangko, iniabot niya sa bank teller ang isang kapirasong papel na may sulat kamay niya.
Ang nakasulat dito, “I have a gun, give me money.”
Inabot ng teller kay John ang $2,924 (PHP170,265).
Pero hindi tumakas si John. Umupo siya sa lobby ng bangko at hinintay ang mga pulis.
Pagdating ng mga pulis, isinuko niya sa mga ito ang pera.
Umamin din siyang sinulatan niya ang papel sa harap mismo ng kanyang misis, na sinabihan niyang mas gugustuhing mapreso "than go back home.”
Ang kaso ni John ay inakyat sa korte.
Nasa website ng U.S. Department of Justice ang desisyon sa kaso ni John.
Ang titulo ng artikulo na may petsang June 13, 2017, ay “Man Sentenced for Bank Robbery He Blamed on a Fight with His Wife."
Mababasa rito na nag-plead ng guilty si John sa bank robbery, na ayon sa website article ay isinisi niya sa misis.
Kalaunan, natukoy ang motivation ni John sa kanyang krimen.
MAN'S REASON FOR ROBBING A BANK
Nagkaroon ng depresyon si John matapos sumailalim sa quadruple bypass heart surgery noong 2015, ulat noon ng The Kansas City Star.
Hindi na-diagnose ang depresyon ni John at nag-manifest ito bilang irritability.
Nang dinidinig ang kaso niya, ikinatuwiran ng kanyang abogadong si Chekasha Ramsey na bago ang bank robbery, si John ay isang law-abiding citizen, walang criminal record, at “dutiful father” sa apat na stepchildren at may magandang relasyon sa misis.
Binanggit din ng abogado na ang ginawang bank robbery ni John ay “cry for help.”
Nang makakuha siya ng medical attention at sumailalim sa gamutan, bumuti ang pakiramdam.
Pinagsisihan ni John ang kanyang ginawa, ayon kay Ramsey.
Sumailalim din siya at ang asawa niya sa mandated counseling sessions.
Humiling ang kanyang mga abogado ng “other sentencing options.”
Sa imbestigasyon kasi, walang nakitang baril o anumang weapon kay John kundi hairbrush at nail clippers.
Sa huli, hindi nakulong si John. In fact, nanatili siya sa piling ng kanyang asawa.
Sinentensiyahan siya ng home confinement for six months, 50 hours of community service, three-year probation, at pinagbayad ng $227.27 (PHP13,200) sa bangko.
Mismong ang husgado at isa pang abogado ni John ang nagsabi na “extremely uncommon” para sa isang convicted sa kasong bank robbery na masentensiyahan ng walang kulong.
Ang kuwentong ito ay naging headline sa U.S., at hindi nagtagal ay napaulat sa iba’t ibang panig ng mundo.
Read: Story of Jan Tristan Ramos: student and part-time janitor, now a lawyer
