Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) ang 90-day suspension ng driver’s license ng isang motorista sa Butuan City.
Last October 11, 2025, nakunan ng video ang motoristang hindi na pinangalanan na hinahayaang magmaneho ang batang kalong nito.
Parehong hindi naka-seatbelt ang dalawa.

Nag-viral ang naturang video sa social media.
Sa inilabas na pahayag ng LTO last October 13, sinabi ng ahensiyang ang 90-day suspension ay alinsunod sa patakaran ng pamahalaan na panatilihin ang disiplina sa mga daan para sa kaligtasan ng lahat ng road users.
Read: Man eats 3 kilos of gummies for 3 days; ends up in hospital
DRIVER FACES MULTIPLE TRAFFIC LAWS VIOLATIONS
Sa Show Cause Order na inisyu sa registered owner ng sasakyan na isang MG sedan, sinabi ng LTO na ang ginawa ng lalaking nagmamaneho ay paglabag sa maraming batas trapiko.
Kabilang dito ang reckless driving (Sec. 48, R.A. 4136), failure to wear a seatbelt (Sec. 4, R.A. 8750), at pagpayag na maupo ang bata sa front seat (Sec. 5, R.A. 11229).
Sinabi rin ng LTO na ang driver ay “improper person to operate a motor vehicle under Section 27(a) of R.A. 4136 as amended by B.P. 398.”
“In the interim, the MG Sedan with the conduction sticker no. RP915A is placed under alarm while under investigation due to the severity of the violations committed,” bahagi ng Show Cause Order.
Read: NETIZENS REACT: Civil service eligibility for SK leaders
DRIVER, REGISTERED OWNER TO APPEAR AT LTO
Mananatiling under preventive suspension for 90 days ang driver’s license ng lalaki habang wala pang resulta ang isinasagawang administrative investigation.
Inatasan ang driver at ang registered owner na humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO sa October 15 para magbigay-paliwanag tungkol sa nangyaring insidente.
Pagbibigay-diin pa ng LTO sa Show Cause Order: "Failure on your part to attend and/or no comment filed on that day shall be construed as a waiver of your right to be heard in this investigation."
Read: Kiko Pangilinan vs. LandBank employee on corruption, systems
LTO REMINDS MOTORISTS ABOUT ROAD SAFETY
Ipinaalala ng LTO sa mga motorista na laging maging disiplinado at responsable sa pagmamaneho.
Ayon sa ahensiya, “Road safety begins with accountability.”
Nagbabala rin ang LTO na ang mga katulad na akto ng pagpapabaya at paglalagay sa buhay ng iba sa panganib habang nagmamaneho ay may karampatang parusa.
Read: Teen pays PHP130K to get taller; shrinks back after 2 weeks
