Nagulat ang mga residente ng Konchi, isang village sa Bihar state ng India, nang mabalitaan ang pagkamatay ni Mohan Lal.
Si Mohan, 74, ay dating miyembro ng Indian Air Force.
Sa araw ng kanyang libing, maraming sumama sa prusisyon—at karamihan ay nagtaka sa kanyang biglaang pagpanaw.

Gayunpaman, kahit hindi alam ng mga nakidalamhati ang dahilan ng kanyang kamatayan, sumama pa rin ang mga ito sa mahabang linya para sumaksi sa traditional rites sa paghahatid sa kanya sa huling hantungan.
Pagdating sa crematorium, bumangon mula sa kanyang bier si Mohan.
Doon natuklasan ng mga residenteng pineke lang niya ang pagkamatay para malaman kung gaano karami ang nagmamahal sa kanya.
Read: VIRAL: Driver lets child steer vehicle while seated on his lap
MAN FAKES DEATH TO KNOW IF HE WAS LOVED BY COMMUNITY
Ang kakaibang pangyayaring ito ay nalathala sa news website na India Today last October 15, 2025.
Paliwanag ni Mohan kung bakit nag-stage ng kanyang mock funeral: “After death, people carry the bier.
“But I wanted to witness it myself and know how much respect and affection people give me.”
Para maisagawa iyon, nagpatulong si Mohan sa mga kamag-anak na ipamalitang namatay na siya.
Nakiusap din siya sa ibang kakilala na ilagay siya sa isang decorated bier para kapani-paniwala ang kanyang pagpanaw.
Ang mga ito na rin ang nagbuhat sa bier papuntang crematorium.
Daan-daang residente ang sumaksi sa mourning ceremony.
Natuwa naman si Mohan sa nakita kung gaano kalaki ang respeto sa kanya ng kanilang komunidad.
Para hindi kagalitan ng mga residente, nagdaos siya ng malaking piging para pagsaluhan ng lahat.
Read: Man eats 3 kilos of gummies for 3 days; ends up in hospital
MAN’S OTHER REASON FOR FAKING DEATH
May isa pang dahilan kung bakit nagsagawa si Mohan ang isang mock funeral.
Yun ang nagsilbing inagurasyon ng ipinatayo niyang “Muktidham”—isang dedicated cremation ground para matugunan ang malaong problema ng kanilang village kapag may funerals.

Tuwing umuulan, tumataas ang level ng tubig sa ilog at mahirap ang pagsasagawa ng cremation kaya problemado ang mga naulila.
Para maresolba ito, nagpatayo si Mohan ng proper facility.

Mayroon itong cremation shed, seating space, platform na paglalagyan ng remains, at hand pump para sa tubig.
Mula sa kanyang savings ang ginastos ni Mohan sa pagpapatayo ng naturang Muktidham.
Read: Teen pays PHP130K to get taller; shrinks back after 2 weeks
SOME RESIDENTS CALL MAN’S FAKE DEATH A VANITY
Sa naganap na mock funeral, matapos bumangon ni Mohan sa bier, naglabas siya ng kanyang effigy.
Ito ang sinunog bilang symbolic act kung paano niya gustong makuha ang atensiyon ng mga residente para ipaalam na may maayos na ngayong cremation facility ang buong village.
Hinikayat niya ang mga itong gamitin iyon.
Ang ginawa ni Mohan ang unang pagkakataon kung saan ang nagpatayo ng Muktidham sa kanilang distrito ay nag-organisa ng mock funeral para i-promote ang facility.
Pero may mga residenteng na-misunderstood ang kanyang ginawang pekeng kamatayan.
Masyado raw banidoso si Mohan para maging curious kung gaano karami ang magdadalamhati sa pagpanaw niya.
Pero para sa mas maraming residente, ang effort ni Mohan ay gesture of service—at pagtiyak na wala nang pamilya sa village na mahihirapan kapag may funeral rites.
Ibinahagi rin ng local media na ayon sa mga residente, respetado si Mohan sa village at matagal na siyang tumutulong sa mga ito sa iba’t ibang paraan.
