Ang term of endearment na ginamit ng isang Turkish husband para sa kanyang wife ay naging mitsa para mauwi sila sa hukuman at ang kanilang marriage sa divorce.
Ayon sa ulat ng website na newsbreak24live last October 16, 2025, nakita ng wife na naka-save ang number niya sa phone ng husband, at ang pangalang ginamit ay “Tombek," na ang kahulugan sa English language ay "chubby."
Read: Man fakes death to see how many will attend his funeral
WIFE CLAIMS NICKNAME GIVEN TO HER BY HUSBAND IS DEROGATORY
Hindi na binanggit sa ulat ang mga pangalan ng couple.
Pero inireklamo ng wife ang husband sa Court of Cassation.
Nag-file na rin siya ng divorce.

Sa pagdinig ng hukuman, masusing tinalakay ang pagkakagamit ng husband sa "Tombek" bilang pangalan ng wife sa contact list.
Ayon sa wife, derogatory ang nickname na ibinigay sa kanya ng husband.
Nakakababa raw iyon sa kanyang pagkatao, at nakakaapekto sa kanilang marital relationship.
Hindi binaggit sa mga balita kung may iba pang rason ang misis.
Pero sa ulat ng Turkish news outlet na Haberler, pinanigan ng Court of Cassation ang wife.
Read: Newlyweds divorce over feuding pets
HUSBAND ORDERED TO PAY WIFE MORAL DAMAGES
Inatasan ang husband na bayaran ang wife ng halagang ipapataw ng korte bilang danyos.
Inaprubahan din ang hiling na divorce ng wife.
Bukod dito, kailangan din niyang magdusa sa kulungan.
Hindi na binanggit sa mga ulat kung gaano katagal makukulong ang husband.
Ang desisyon ng korte ay isa na ngayong legal precedent sa Turkiye.
Nagsisilbi itong paalala sa Turkish husbands na makailang beses munang mag-isip bago magbigay ng nicknames sa kanilang spouses sa contact list sa phones.
Read: Teen pays PHP130K to get taller; shrinks back after 2 weeks
IMPORTANCE OF RESPECT IN RELATIONSHIPS
Ang naging ruling ng Court of Cassation sa kakaibang divorce case ay mainit na pinagtalunan sa social media ng Turkiye.
Marami ang natuwa sa desisyon dahil tila ipinagduldulan ng mister na ang kanyang misis ay "chubby."
Mayroon din namang nagsabi na may kababawan ang isyu dahil kung tutuusin, endearing ang nickname na chubby.
Ayon sa isang nagkomento: “Being chubby isn’t bad, and to be called such ain’t an insult.”
Susog ng isa, wala naman sigurong malisya ang pagbibigay ng husband ng nickname na chubby sa wife nito at hindi dapat sineryoso ng kabiyak.
“I’m sorry such small things can send people, even a family member, to jail.”
Gayunpaman, isa itong malinaw na indikasyon na kahit ang maliliit na bagay ay puwedeng makasira ng relationships; at ang mga non-issue ay puwedeng maging big deal sa partner.
Read: Cows painted with zebra stripes to keep flies away win award
