PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kidnapped at 4, man draws map from memory and finds his way home

A tearful reunion after 33 years.
by KC Cordero
Published Oct 24, 2025
Li Jingwei showing the map
Iginuhit ni Li Jingwei batay sa kanyang natatandaan ang mapa ng village kung saan siya na-kidnap noong bata pa. Sa tulong ng mga awtoridad, netizens, at technology, natukoy ang lokasyon ng village. (Photo: Daily Sabah)

Four years old pa lang si Li Jingwei nang ma-kidnap mula sa kanilang village.

Lumaki siya na ang nananatili lang sa diwa ay ang mumunting alaala ng kanilang tahanan sa village na pinagmulan.

Hindi niya alam kung saan siya nanggaling.

Wala rin siyang ideya kung ano ang mga pangalan ng kanyang totoong parents.

Ang tanging nakaukit sa kanyang memorya ay ang mga imahe ng bamboo grove at maliit na pond na malapit sa isang eskuwelahan.

“I knew the trees, stones, cows and even which roads turn and where the water flows,” pagbabahagi niya sa isang panayam ng Chinese local news na The Paper.

Read: No thumbs? No problem! Man shows what he can do

MAN DRAWS MAP FROM MEMORY

Sa loob ng 33 taon, ang mga nabanggit ang tanging naaalala ni Li.

Noong 2021, isang pagbabakasakali ang kanyang ginawa.

Na-inspire kasi siya ng isang high-profile family reunion na naganap sa China.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Li sa panayam ng Henan Television: “When I saw the story of Guo Gangtang, I thought to myself: I should try to find my biological parents.

"I wanted to see them when they are still alive.

“I realized I could not wait any longer because my parents should be getting older now.

"I worried that when I figured out where I am from, they might have passed away.”

Photo of Li Jingwei's map
Photo of the map courtesy of Li Jingwei.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maingat niyang iginuhit ang map ng village na kanyang pinagmulan batay sa kanyang naaalala.

Kinunan niya iyon ng video at nai-post sa Douyin, ang Chinese version ng TikTok.

Umaasa siyang sana’y may maka-recognize sa mapang kanyang iginuhit.

Read: Cows painted with zebra stripes to keep flies away win award

MAN SAYS HE WANTS TO FIND HIS HOME

Sa video ay ikinuwento ni Li ang kanyang predikamento.

Saad niya: “I'm a child who's finding his home.

Li Jingwei explaining the map he drawn from memory
Ibinahagi ni Li Jingwei sa social media ang mapa na kanyang iginuhit mula sa alaala. Photo: Mid-Day
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I was taken to Henan by a bald neighbor around 1989, when I was about four years old.

“So many years have passed, I don’t know if anyone in my family is looking for me.

“I want to be able to see my parents again while they are still here.”

Read: Store owner almost loses arm after thief bites his hand

MAN’S VIDEO GOES VIRAL; SEARCHES POINT TO A CERTAIN VILLAGE

Sa ulat ng news website na Good noong September 13, 2025, binalikan nila ang pag-viral ng video ni Li.

Dahil sa video, kumilos ang mga awtoridad at maging ang netizens na namangha sa kuwento ni Li. Gusto nila itong makahanap ng mga kasagutan.

Isang news report mula sa website na Vice ang nagsabing base sa clues mula sa mapang iginuhit niya, ang kanyang pinagmulang village ay malapit sa city of Zhaotong sa Yunnan province.

Malayo ito ng mahigit 1,000 miles kung saan nakatira ngayon si Li.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Max: Internet’s most human-looking dog

INVESTIGATIONS REVEAL MAN WAS A VICTIM OF CHILD TRAFFICKING

Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.

Nalantad ang isang masakit na konteksto ng kuwento ng buhay ni Li.

Lumalabas na biktima siya ng child trafficking black market ng China.

Ang paglaganap ng ganitong uri ng krimen sa bansa ay bunga ng ipinatutupad na one-child policy at ng lumang kaugalian na mas gusto ng Chinese family ang anak na lalaki.

Read: Lawyer “Mark Zuckerberg” sues Facebook after he is banned

AUTHORITIES FIND MAN’S POSSIBLE MOTHER

Hindi nagtagal ay may nakilala ang mga awtoridad na isang babae sa village na nawalan ng anak.

Tinawagan ito ni Li.

Sa kanilang pag-uusap, tinanong niya ang babae kung may alam itong isang maliit pero napakahalagang detalye tungkol sa kanya—na wala pang pinagsasabihan si Li kahit sino.

Sabi sa kanya ng babae: May pilat siya sa baba na sanhi ng pagkahulog niya noong bata pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon ang hinihintay ni Li na kumpirmasyon.

Sumailalim silang dalawa sa magkahiwalay na DNA tests.

Ang naging resulta ang opisyal na nagpatibay na mag-ina nga sila.

Read: NETIZENS REACT: Employee fired two days after being hired

TEARFUL REUNION

Nakita ni Li ang kanyang ina sa unang pagkakataon makalipas ng 33 taon sa pamamagitan ng video call.

Bagaman at pumanaw na pala ang kanyang ama, ang kanilang muling pagkikita ng ina ang naging conclusion ng kanyang walang hanggang paghahanap ng mga kasagutan.

Pagbabahagi ni Li sa isang post sa Douyin: “Thirty-three years of waiting, countless nights of yearning, and finally a map hand-drawn from memory, this is the moment of perfect release after 13 days.”

Kuwento pa niya, “My mother and I have the same lips, even my teeth.”

Ang kamangha-manghang karanasan ni Li ay isang patunay na kahit gaano katagal mapahiwalay sa tunay na pamilya, napakalakas ng kapangyarihan ng memorya ng isang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At mas pinalakas pa ito ng community at ng modern technology na tumulong sa kanyang paghahanap para muli niyang matagpuan ang isang kahapong nawawala.

January 1, 2022, personal nang nagkita ang mag-ina.

Li Jingwei and mom embracing
Ang emotional reunion ng mag-ina. Photo: YouTube

Sa video ng kanilang reunion na ibinahagi ng state media sa social media, makikitang napasubsob si Li sa paanan ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigpit din silang nagyakapan habang umiiyak.

Bulalas ng kanyang ina: “I’ve finally found my baby.”

Pinasalamatan ng mag-ina ang volunteers at netizens na tumulong para matukoy ang village mula sa map na iginuhit ni Li.

Nagbalik din siya sa kanilang village, at dinalaw ang puntod ng tunay na ama.

Wala namang sama ng loob si Li sa pamilyang umampon sa kanya—na isinalarawan niyang mapagmahal, napakabuti, at pinalaki siya nang maayos.

Batay sa naging resulta ng imbestigasyon, 1989 nang ma-kidnap siya.

Ibinenta siya sa nakalakhang pamilya sa Lankao.

Read: NETIZENS REACT: Dad scolds Redditor for ordering too much food

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iginuhit ni Li Jingwei batay sa kanyang natatandaan ang mapa ng village kung saan siya na-kidnap noong bata pa. Sa tulong ng mga awtoridad, netizens, at technology, natukoy ang lokasyon ng village. (Photo: Daily Sabah)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results