PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Victim loses PHP20M after falling for fake Squid Game star online

She really thought she was dating Lee Jung-jae.
by KC Cordero
Published Nov 3, 2025
Photos of Lee Jung-jae
Umabot sa PHP20 million ang nahuthot sa babaeng in her 50s. Ang scammer ay nagpakilalang si Lee Jung-jae, ang lead star ng Squid Game. (Photos: Korea JoongAng Daily)

Isang babae in her 50s na mula sa Miryang, South Korea, ang nabiktima ng isang online scammer ng mahigit 500 million won o PHP20,581,226.30.

Iniulat ito ng news website na Korea JoongAng Daily last October 22, 2025.

Inakala ng babae, na itinago sa pangalang A, na mayroon siyang long-distance relationship sa Squid Game protagonist na si Lee Jung-jae.

Squid Game star Lee Jung-jae
Photo of Lee Jung-jae courtesy of SCMP
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala niya ang nagpakilalang si Lee Jung-jae sa social media.

Yun pala, gumagamit lang ito ng AI-generated images ng actor.

Read: Husband to pay "cat support" to wife for 10 years after divorce

SCAMMER INTRODUCES HIMSELF AS THE SQUID GAME STAR

Ayon kay A, unang nag-message sa kanya ang scammer.

Sabi umano nito sa kanya: “This is actor Lee Jung-jae.

“I reached out to communicate with fans.”

Dahil sa matamis na messages ng scammer, kinilig si A.

Nung mas naging pamilyar na sa isa’t isa, ang kanilang conversation ay inilipat ng scammer sa messaging app na KakaoTalk.

Doon, sinimulan na nitong tawaging “honey” and “sweetie” si A.

Sabihin pa, lalong kinilig si A dahil pakiwari niya ay na-develop sa kanya at nagkaroon ng romantic interest ang sikat ng aktor.

Read: Kidnapped at 4, man draws map from memory and finds his way home

SCAMMER USES DIFFERENT SCHEMES IN ASKING MONEY FROM THE WOMAN

Nang magsimulang humingi ng pera kay A ang nagpakilalang si Lee Jung-jae, walang pag-aalinlangang binigyan niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sari-sari ang mga dahilan ng scammer kay A pag nanghihingi ng pera.

Sinasabi nitong stranded ito sa airport sa ibang bansa at walang ibang paraan para makauwi ito sa South Korea.

Faked credentials of Lee Jung-jae
Ang mga fake credentials ni Lee Jung-jae na ginagamit ng scammer. Photo: Korea JoongAng Daily

Nagpapadala ito sa kanya ng AI-generated photos ng ID, driver’s license, at plane ticket para lang maniwala siyang nasusuong nga ito sa ganoong sitwasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay A, minsan ay nagbayad siya ng halos PHP441,247.50 for VIP pass para lang makita na niya ito nang personal.

Yun nga lang, lagi itong may dahilan kaya ang kanilang meet-up ay laging hindi natutuloy.

Read: Couple looks strikingly similar; often mistaken as twins

WOMAN REALIZES SHE’S CHATTING FAKE SQUID GAME STAR

Nang umabot na sa mahigit PHP20 million ang nagagastos ni A—at dahil napapadalas na ang panghihingi nito ng pera—nakatunog na siyang isang scam lang ang lahat.

Nagsumbong na siya sa pulisya.

Pahayag ni A sa pulisya: “He told me he would pay me back as soon as he returned to Korea.

“I believed him.”

Kinumpirma ng South Gyeongsang Provincial Police Agency na biktima nga si A ng romance scam.

Subalit hanggang ngayon, hindi pa ma-trace ng mga awtoridad kung sino ang nagpanggap na Lee Jung-jae.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas na ang scammer ay konektado sa Cambodian crime syndicate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mas masaklap, sinabi rin ng pulisyang malabo nang mabawi pa ni A ang kanyang pera.

Read: Husband jailed after saving wife’s number as "Chubby" in phone

SQUID GAME STAR’S AGENCY WARNS FANS NOT TO FALL VICTIM TO FRAUD

Humatak ng sobrang atensiyon sa South Korea ang kaso ni A.

Dahil dito, naglabas ang agency ng Squid Game star, ang Artist Company, ng statement na nagbababala sa fans na huwag magpapadala ng pera sa mga nagpapakilalang Lee Jung-jae.

Ayon sa statement: “We clearly state that neither the company nor any of our artists will ever ask for money, wire transfers or sponsorships under any circumstances.

“If you receive any such requests, please do not respond and take extra caution to avoid falling victim to fraud.

“We will continue to do our utmost to foster a safe and healthy fan culture.”

Nakikipagtulungan din ang agency ng actor sa mga awtoridad para ma-verify ang maaaring pagkakilanlan sa scammer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man fakes death to see how many will attend his funeral

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umabot sa PHP20 million ang nahuthot sa babaeng in her 50s. Ang scammer ay nagpakilalang si Lee Jung-jae, ang lead star ng Squid Game. (Photos: Korea JoongAng Daily)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results