Narinig umano ni Vladimir Rychagov na ang kanilang employer ay magbibigay sa mga empleyado ng malaking 13th-month pay bonus.
Nagtatrabaho siya sa isang kumpanya sa Severavtodor, Khanty-Mansiysk, Russia.
Hindi makapaniwala si Vladimir nang ang pumasok sa kanyang account ay £65,000 o PHP4,981,955.55.

Ang inaasahan kasi niyang matatanggap ay £440 o PHP33,731.13 para sa kanyang holiday pay.
Pero dahil sobrang laki ng kanyang natanggap, tuwang-tuwa si Vladimir.
Naisip niya, totoo nga ang nasagap niyang balita na bongga ang matatanggap nilang bonus.
Head siya ng kanilang department, at nagkataong nasa five-day unpaid leave nang mangyari ang tila pagtama niya sa lotto noong January 2025.
Read: Government workers to get PHP5K cash gift, bonus this November
MAN INFORMED BY COMPANY THE MONEY WAS TRANSFERRED BY MISTAKE
Pero saglit lang ang naging tuwa ni Vladimir, ayon sa ulat ng news website na The Sun last November 3,
Nagsunud-sunod kasi ang tawag kanya ng mga personnel mula sa accounting department.
Sinabihan siya na ang perang pumasok sa kanyang account ay nai-transfer lang “by mistake.”
At kailangan niyang ibalik ang mga iyon dahil hindi pa nakakasuweldo ang kanyang mga kaempleyado.

Matapos maipaliwanag sa kanya ang nangyari, nagpanukala si Vladimir sa kumpanya.
Aniya, awasin na lang sa kanyang buwanang sahod ang kabuuang halaga na naipasok sa kanyang account.
Tinanggihan iyon ng kumpanya at iginiit na kailangang isauli niya ang pera.
Pero hindi siya pumayag.
Read: 3 billionaires go out for fried chicken and beer--guess who pays
MAN SUED BY THE COMPANY
Dahil sa pagtanggi ni Vladimir na ibalik ang pera, nakarating sa korte ang isyu.
Batay sa court documents na isinumite ng kanyang employer, ang malaking halagang natanggap niya ay para sa suweldo sana ng 34 employees mula sa ibang sangay ng kumpanya.
Ang claim ng management, dapat niyang isauli ang pera—o makakarating sila sa korte.
Read: Victim loses PHP20M after falling for fake Squid Game star online
Pero kahit idinulog na sa korte ang isyu, hindi pa rin isinauli ni Vladimir ang pera.
Katwiran niya, may mga na-research siya sa Internet tungkol sa ganitong sitwasyon.
Pagbibigay-diin niya sa isang panayam ng Russian TV na Channel 5: “After checking the Internet, I found that if it was a technical error, it was up to me to return it. But if it was a billing error, I was obligated to return it.
“Later, I learned it was a technical error and decided I had the right to keep the money.”
Ang argumento naman ng kumpanya, nagkaroon ng software glitch sa payroll system kaya sa account ni Vladimir pumasok ang pera—at dahil doon ay obligado siyang ibalik ito.
Read: Husband to pay "cat support" to wife for 10 years after divorce
MAN MOVES TO ANOTHER CITY
Hindi nagpatinag si Vladimir.
Ikinatwiran niyang natanggap niya ang funds mula sa pangalan ng company at hindi sa specific branch.
Nakalista rin ang pera bilang “salary” sa payment order, kaya ang claim niya ay entitled siya rito.
Sinabi rin niyang kung noong una ay nakikiusap ang company na ibalik niya ang pera, sa bandang huli ay nakakatanggap na siya mula sa management ng mga pagbabanta.
Kaya ang ginawa niya, bumili ng bagong sasakyan, nagpalit ng phone number at lumipat sa ibang lungsod kasama ang pamilya.
Nangangamba umano siya sa kanilang kaligtasan at sinabing, “After all it was a lot of money.”
Yun nga lang, bago pa sila nakapangibang lugar ng kanyang pamilya ay sinampahan na siya ng kaso ng kumpanya.
Read: Kidnapped at 4, man draws map from memory and finds his way home
MAN’S BANK ACCOUNTS FROZEN
Dahil na rin sa tangkang pagtakas o pagtatago ni Vladimir, bukod sa isinampang kaso ng kumpanya, maging ang kanyang bank accounts ay na-freeze.
Aniya sa isang panayam: “A complaint was filed against me, alleging that I was in collusion with an accountant and committed some kind of economic fraud.”
Na-dismiss umano ang akusasyong ito dahil sa kawalan ng mga ebidensiya.
Gayunpaman, tuloy ang paghahabol ng kumpanya sa perang pumasok sa account ni Vladimir sa mga nakalipas na buwan.
Ang Court of First Instance at maging ang Court of Appeals ay pumanig sa employer.
Ang dalawang korte ay nagsabing walang overdue payments na dapat ipagkaloob ang kumpanya kay Vladimir sa pagtatapos ng reporting period sa trabaho.
Ang £65,000 ay hindi rin ikinukonsiderang salary, kaya obligado si Vladimir na ibalik ito.
Pero matigas pa rin si Vladimir.
Nanindigan siyang entitled sa natanggap na cash at wala talaga sa plano niyang isauli iyon.
Read: Couple looks strikingly similar; often mistaken as twins
SUPREME COURT TO DECIDE THE CASE
Paglilinaw naman ni Roman Tudachkov, ang acting CEO ng kumpanya: “There was no 13th salary involved; it was an erroneous transfer.
“We have a court order; we operate within the legal system through our legal department.
“His [Vladimir] interpretation is strange, but I repeat, we will handle this through the legal system.”
Ang ruling ng dalawang korte ay iniapela ni Vladimir sa Supreme Court.
Tinanggap iyon ng SC "for consideration."
Ang SC ang magdedetermina kung puwedeng angkinin ni Vladimir ang perang pumasok sa kanyang account sa pamamagitan ng isang kakaiba at kakatwang paraan—o kung dapat talagang isauli niya iyon.
Read: Husband jailed after saving wife’s number as "Chubby" in phone
