Isang kuting sa Brazil ang ipinanganak noong November 4, 2025, na iisa ang mata.
Ayon kay Gilberto Almeida, ang owner ng ina ng kuting, first time daw niyang makakita ng ganito.
Aniya sa panayam ng NewsX: “I’m 32 years old and I’ve never seen anything like this in my life.”
Sinabi rin niyang masipag manganak ang alaga niyang pusa.
“But this was the first time something like this happened.”
Tinawag niya ang kuting na Cyclops Cat.
May tatlo pa itong kapatid.
Si Gilberto ay isang farm worker sa Vilhena, na sakop ng Rondonia.

Read: Man receives coworkers’ salaries due to glitch; keeps the money
ONE-EYED KITTEN DIES AFTER TWO DAYS
Sa kasamaang palad, makalipas lang ang dalawang araw, namatay ang one-eyed kitten
Napansin umano niyang nahihirapan itong huminga.

May tatlo pa itong kapatid, pero ito lang ang iisa ang mata.
Read: Husband to pay "cat support" to wife for 10 years after divorce
THE CONDITION OF ONE-EYED KITTEN
Matapos mapabalita ang tungkol kay Cyclops Cat, nagbigay-paliwanag ang Brazilian veterinarian na si Janete Silva kung bakit iisa ang mata ng kitten.
Aniya: “When the embryo is developing, instead of the brain structure dividing into two parts, a single mass forms.
“As the eye follows this division, it ends up positioned in the center.”
Ang ocularly unusual kitten ay nagkaroon ng cyclopia—isang rare congenital disorder na ipinangalan mula sa cyclops—ang monster sa Greek mythology na iisa ang mata.
Read: Husband jailed after saving wife’s number as "Chubby" in phone
CYCLOPIA ALSO AFFECTS HUMAN
Ang cyclopia ay posible ring mangyari sa tao.
Karaniwang sanhi nito ang chromosomal abnormalities o kaya’y medication exposure sa panahon ng pagbubuntis ng ina.
Gayunpaman, ang ganitong kondisyon ay “exceedingly rare” at nakaaapekto lang sa one in 100,000 babies, ayon sa WebMD.
Ang mga hayop o taong may cyclopia ay hindi nabubuhay nang matagal.
Dahil sa kondisyon na ito, hirap talaga silang huminga.
Karamihan sa may cyclopia ay agad ding namamatay pagkatapos maipanganak, gaya ng nangyari sa kitten.
Madalas din na ang ipinagbubuntis—hayop man o tao—na may cyclopia ay naaagas o kaya’y namamatay habang nasa loob pa ng tiyan ng ina.
Read: Man fakes death to see how many will attend his funeral
