PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magnanakaw, caught in the act, nagmano sa lolang biktima

Magalang iyan?
by KC Cordero
Published Nov 20, 2025
The crime caught on CCTV
Nang maalimputan ang lolang biktima, sa halip na ma-rattle agad ang magnanakaw ay nagmano pa ito sa matanda. (Photo: Screenshot at CCTV/Jhoanne Tutanes)

Nabiktima ng mga magnanakaw si Lola Raynalda Serdoncillo, 71, noong madaling-araw ng November 15, 2025.

Residente si Lola Raynalda ng Barangay Daang Bakal, Mandaluyong City.

Isa siyang store owner.

The two thieves
Ang dalawang magnanakaw nang makunan ng video sa CCTV. Photo: CCTV/Jhoanne Tutanes

Sa kopya ng CCTV na galing sa isang nagngangalang Jhoanne Tutanes, makikita ang dalawang magnanakaw sa eskinita na naghahanap ng mabibiktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saglit pa, solong naglakad ang isa habang nagsilbi namang lookout ang isa pa.

Dito na nakita ng magnanakaw ang puwesto ni Lola Raynalda—na noong mga sandaling iyon ay natutulog sa sofa.

Read: Influencer spends PHP33M on hyaluronic acid shots for 8-pack abs

MAGNANAKAW UNANG NAKUHA ANG CELLPHONE NG LOLA

Kitang-kita sa CCTV ang pagpasok ng magnanakaw sa loob ng tindahan.

Kaswal itong naglakad sa loob.

Maya-maya ay may dinampot ito sa bandang paanan ni Lola Raynalda—na wala pa ring kamalay-malay sa nangyayari.

Ang cellphone pala ng matanda ang nadampot ng magnanakaw at inilagay sa shorts nito.

Pagkatapos, lumabas na ang magnanakaw.

Read: Man receives coworkers’ salaries due to glitch; keeps the money

CASH BOX NG LOLA BINALIKAN NG MAGNANAKAW

Tila nag-report pa ang magnanakaw sa kasamahan, at muli itong bumalik sa loob ng tindahan.

Sa pagkakataong ito, tinangka niyang kunin ang kahon ng sapatos o cash box sa ulunan ni Lola Raynalda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Thief entering the store
Ang magnanakaw nang tangkaing kunin ang cash box ng lola. Photo: CCTV/Jhoanne Tutanes

Nagkataon namang biglang may kumanta, kaya nagmadaling ibinalik ng magnanakaw ang kahon sa dating puwesto.

Napaupo rin ito sa sofa na kinahihigaan ni Lola Raynalda, na biglang naalimpungatan.

Lola kissing the hand of grandma
Ang eksena nang magmano ang magnanakaw sa lola. Photo: CCTV/Jhoanne Tutanes
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa halip namang mataranta, nagtangkang magmano ang magnanakaw sa nagtatakang si Lola Raynalda—saka ito nagmamadaling tumalilis.

Hinabol ito ng matanda hanggang sa pintuan ng tindahan.

Read: Victim loses PHP20M after falling for fake Squid Game star online

CASH BOX NG LOLA MAY LAMANG PHP10K

Sa panayam ni Lola Raynalda sa media, sinabi niyang tulog siya noong nangyari ang pagnanakaw sa kanyang tindahan.

“Bigla akong nagising. Nakita ko na lang yung mama nakaupo rito, magmamano siya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Anak ng… sino ka?’

“Tapos, bigla siyang lumabas.”

Ayon pa kay Lola Raynalda, PHP10,000 ang laman ng kahong muntik nang matangay ng magnanakaw.

“Bumalik pa siya tapos kukunin yung lalagyan ng pera.”

Buti na lang aniya at may dumating na kumakanta kaya nagulat ang magnanakaw at ibinalik ang kahon ng pera.

Sambit ni Lola Raynalda: “Sana humingi na lang kung talagang nangangailangan, hindi yung magnanakaw pa siya.”

Nagpapasalamat siya sa Diyos na walang nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Husband to pay "cat support" to wife for 10 years after divorce

DALAWANG MAGNANAKAW NAKILALA NA NG MGA AWTORIDAD

Kuwento naman ng anak ni Lola Raynalda na si Jingle, sobrang casual ang kilos ng magnanakaw kahit nagising na ang kanyang ina.

“Yung paglabas niya [magnanakaw], hindi naman siya tumatakbo.

“May kahoy dito, humakbang lang din talaga siya, tapos naglakad.”

Agad din namang nakilala ang dalawang magnanakaw.

Residente ang mga ito ng Barangay Addition Hills.

Kilalang notorious na kawatan ang dalawa sa kanilang lugar.

Agad nakipag-ugnayan ang mga opisyal ng Barangay Daang Bakal sa mga barangay tanod ng Barangay Addition Hills.

Kasama ang mga pulis, pinuntahan nila ang bahay ng mga suspek ngunit wala na ang mga ito.

Naglabas na rin ang pulisya ng warrant para tuluyang maaresto ang dalawang kawatan.

Read: Kidnapped at 4, man draws map from memory and finds his way home

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang maalimputan ang lolang biktima, sa halip na ma-rattle agad ang magnanakaw ay nagmano pa ito sa matanda. (Photo: Screenshot at CCTV/Jhoanne Tutanes)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results