PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Town in Alaska to experience 65 days without sunlight

...why it happens.
by KC Cordero
Published Nov 27, 2025
Polar night in Utqiagvik
Hindi sisikat ang araw sa Utqiagvik town sa Alaska sa loob ng 65 days. (Photo: AccuWeather on X)

Sumikat at lumubog ang araw sa bayan ng Utqiagvik sa Alaska sa huling pagkakataon nitong ikatlong linggo ng November 2025.

Sa loob ng 65 days, ang Utqiagvik ay malalambungan ng kadiliman na hatid ng polar nights.

Ayon sa ulat ng news website na The Printt last November 20, dahil paparating na ang winter sa northern hemisphere, ang katulad na phenomenon ay ramdam din sa buong Arctic.

Sa northern parts ng Norway, Sweden, Finland, Russia, at Greenland, hindi halos mararamdaman ang pagsikat ng araw sa loob ng ilang linggo.

Sa case ng Utqiagvik, makikitang muli ang daytime pagsapit ng huling linggo ng January 2026.

Utqiagvik during polar night
Ang sitwasyon ngayon sa Utqiagvik, Alaska. Sa susunod na taon na ulit ito sisikatan ng araw. Photo: Unofficial Networks
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ang season kung kelan ang aurora borealis—na karaniwang tinatawag na Northern Lights—ay namamataan sa mga areas na malapit sa North Pole.

Samantala, sa opposite end of the world, ang Antarctica naman ay kasalukuyang pumapasok sa tinatawag na “spell of the midnight sun” o ang polar day na tatagal ng ilang buwan.

Pero ano nga ba ang polar days and nights?

Paano nakaaapekto ang mga ito sa buhay ng mga taong naninirahan sa poles?

Read: Brazilian Superman brings joy to child cancer patients in Ghana

POLAR NIGHTS AND DAYS EXPLAINED

Ang polar night ay ang period tuwing winter kung kailan ang mga areas na malapit sa North Pole ay nalalambungan ng kadiliman sa loob ng ilang araw—at minsan ay inaabot ng ilang buwan.

Kabaligtaran naman ang nangyayari sa mga area na malapit sa South Pole, kung saan dire-diretso ang sikat ng araw sa loob ng 24 hours.

Ang polar nights and days ay nagaganap base sa pag-ikot ng Earth sa paligid ng araw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tilted path ng Earth ang nagiging sanhi kung bakit ang ilang regions ay nasa anino ng sun, habang ang iba ay nasa constant glow.

At ang elliptical orbit nito sa sariling axis ang dahilan ng mga pagbabago ng seasons.

Nakakaranas ng summer ang mga parte na naka-expose sa sun, habang winter naman sa kabilang bahagi ng mundo.

Read: Influencer spends PHP33M on hyaluronic acid shots for 8-pack abs

EARTH'S TILT AND POLAR NIGHTS

Gayunpaman, maraming Arctic regions ang nagkakaroon ng brief daily glimmer of light kapag polar nights.

Ayon sa website ng Alfred Wegener Institute’s Helmholtz Centre for Polar and Marine Research: “Although the sun does not rise during polar night, it gets close to the horizon during midday, and there is a period of twilight.

“The snow reflects the light. On cloudy days, multiple reflections between the snow and the clouds additionally enhance the brightness.”

Bagaman at ang polar days and nights ay walang major impact sa South Pole dahil ang Antarctica ay walang permanent human settlements, may epekto ito sa normal na pamumuhay sa mga bansang malapit sa North Pole.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rare one-eyed kitten born in Brazil

HOW PEOPLE AND ANIMALS COPE DURING POLAR NIGHTS

Kapag ang isang lugar ay malapit sa poles, mas mahaba ang itinatagal ng polar nights.

Sa Scandinavian countries gaya ng Norway, Sweden, at Finland, ang tagal ng panahon na walang sumisikat na araw ay nag-iiba-iba depende sa season—pero umaabot ng isang buwan sa ilang area.

Sa northern Alaska, na mas malapit sa pole, ang kadiliman ay tumatagal ng dalawang buwan.

This year, ngayong November huminto ang araw sa pagsilay at sa January 2026 na ulit sisilip.

Sa isang report ng National Geographic noong 2024, inalam kung paano mamuhay ang mga tao tuwing panahon ng polar nights.

Ayon dito: “The polar night can be a profound challenge.

“The absence of familiar cues and day-night cycles can affect circadian rhythms and disrupt sleep, and the perpetual lack of daylight often saps energy.”

Kaya naman ang iba’t ibang species ay gumagamit ng iba’t ibang mechanisms para maka-adjust sa dilim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa Arctic animals gaya ng ground squirrels, ito ang season para mag-hibernate at lumabas na lang muli kapag sumikat na ang araw.

Ang iba gaya ng reindeer ay nag-a-adapt sa pamamagitan ng pagde-develop ng “seasonally blue eyes” na nakatutulong sa kanila para mas makakita nang malinaw sa dilim.

Business as usual naman para sa polar bears, pero kapag buntis ang female, naghuhukay ito ng den sa snow at pumapasok sa state of light hibernation.

Para sa mga tao, gumagamit sila ng artificial light.

And as much as possible ay tuloy ang kanilang daily routines.

Para mapanatili ang kalusugan, umiinom sila ng Vitamin D supplements, at binibigyan ng attention ang kanilang mental health.

Ayon sa University Centre sa Svalbard, Norway: “Artificial lamps are used to replicate daylight, and it is crucial to use them at the right time, preferably in the morning.

“Using the lights too late in the day may disrupt the circadian rhythm.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Lyle and Eleanor Gittens: World’s longest-married couple

SOME RESIDENTS ACTUALLY ENJOY POLAR NIGHTS

Marami ring residente ng Arctic towns ang nagsabing enjoy rin sila sa ganitong panahon.

Nalilibang sila sa spectacle ng Northern Lights.

Northern Lights
Para sa ibang residente sa mga lugar na may polar nights, nalilibang sila sa spectacle ng Northern Lights. Photo: AccuWeather
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakapag-relax din sila nang mahaba sa kani-kanilang bahay.

Isang residente ng Inari, Finland, ang nagsabi sa panayam ng BBC na nabibitin pa nga raw siya sa haba ng Arctic night.

Sa 2020 study ng International Journal of Well-being, sinabing ang “winter time mindset” o ang pagkakaroon ng "positive mindset towards winter" ay may koneksiyon sa "satisfaction with life.”

Read: Man receives coworkers’ salaries due to glitch; keeps the money

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi sisikat ang araw sa Utqiagvik town sa Alaska sa loob ng 65 days. (Photo: AccuWeather on X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results