Nagtipun-tipon noong November 15, 2025, ang 240 mallgoers sa shopping center sa Baotou City, Inner Mongolia province, China.
Lalahok kasi sila sa kakaibang kumpetisyon na inspired mula sa “lying flat” movement.
Promotional event ito ng isang mattress company.

Ayon sa ulat ng Chinese news website na Xiaoxiang Morning Herald, ang "lying flat" ay isang popular Internet slang term sa mainland China.
Isinasalarawan nito ang lifestyle ng isang tao na sumuko na sa mga expectations ng lipunan sa kanya.
Sa halip na magsikap na maging matagumpay, mas pinipili na lang niya ang mag-chill at panatilihin ang minimum standard of living.
Read: Husband wins PHP226M lotto jackpot prize; hides it from wife
LYING-FLAT CONTEST’S RULES
Hindi masalimuot ang rules ng lying-flat contest.
Ang contestants ay kailangan lang mahiga sa mattress.
Maaari namang magpagulung-gulong sa mattress, magbasa ng books, kumain at gumamit ng smartphones.
Pero hindi sila puwedeng bumangon pati na rin gumamit ng comfort room.
Ang pinakahuling contestant na mananatiling nakahiga sa mattress ang tatanghaling panalo.
Read: Town in Alaska to experience 65 days without sunlight
WINNER OF LYING-FLAT CONTEST CLOCKS 33 HOURS AND 35 MINUTES
Walang time limit para sa lying-flat contest.
Pero makalipas lang ang 24 hours, 186 competitors agad ang natanggal.
Pagkaraan ng 30 hours, mas nabawasan pa ang bilang ng mga naglalaban-laban.
Makalipas ang 30 hours at nine minutes, tatlong contestant na lang ang natitira.
Sa puntong ito, mas naghigpit ang mga organizers sa rules.

Ipinataas sa natitirang tatlo ang kanilang mga kamay at paa habang nakahiga.
Natanggal na naman ang isa pa pagkaraan ng dalawang minuto.
Nagtunggali ang dalawang natitira sa loob pa ng sumunod na 20 minutes, pero pagsapit sa 33 hours at 35 minutes, sumuko na ang isa pa.
Ang natirang nakahiga sa mattress ang idineklarang winner.
Read: Brazilian Superman brings joy to child cancer patients in Ghana
GIRLFRIEND OF WINNER IN LYING-FLAT CONTEST URGES HIM TO COMPETE
Hindi pinangalanan ang winner sa lying-flat competition pero napag-alamang 23 years old ito.
Nagsuot umano siya ng diapers para makaiwas gumamit ng bathroom.
Aniya sa panayam ng Chinese media: “My girlfriend sent me a link to the competition and suggested I have a go.
“I did not do much preparation. In the middle of the competition, I thought of giving up. But my girlfriend told me to carry on.”

Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang napanalunan, aniya: “I will use the money to treat my friends to a hotpot dinner.
“They came to see me last night, bringing me food and drinks, mid-competition.”
Nakatanggap siya ng premyong 3,000 yuan o PHP24,892.46.
Ang second placer ay may 2,000 yuan (PHP16,594.97), habang 1,000 yuan (PHP8,297.06) ang third placer.
Ang lying-flat contest ay sikat sa China.
Ang katatapos lang na contest ay naka-livestream sa Chinese social media sa loob ng halos 34 hours.
Nakaakit ito ng 10 million viewers at mahigit eight million comments.
Karamihan naman sa mga nanood ay nagkomento na nagtatanong sa kani-kanilang sarili kung ano ba ang point ng kumpetisyon—at kung bakit sila nanood.
Read: Magnanakaw, caught in the act, nagmano sa lolang biktima
