Isang 65-year-old Thai woman na pinaniniwalaang namatay na ang ginimbal ang mga staff ng Wat Rat Prakhong Tham temple sa Nonthaburi, Bangkok, Thailand.
Nakarinig kasi ang mga ito ng mahihinang katok mula sa loob ng ataul.

Ang mga labi ng Thai woman na nakasilid na sa kabaong ay dinala ng kapatid na lalaki sa temple, kung saan mangyayari ang cremation.
Pero nang buksan ang ataul, natuklasang buhay pa pala ang babae.
Read: Man wins PHP24K in lying-flat contest; rests on bed for 33 hours
TEMPLE MANAGER BELIEVES THAI WOMAN HAS BEEN KNOCKING INSIDE COFFIN FOR QUITE SOME TIME
Ang video ng kakaibang insidente ay ibinahagi ng Wat Rat Prakhong Tham temple official Facebook account last November 29, 2025.
Na-pick up ito ng international media at agad nag-viral.
Ayon kay Pairat Soodthoop, general and financial affairs manager ng temple, pinag-uusapan nila ng kapatid ng Thai woman ang mga detalye sa gagawing cremation nang makarinig sila ng mga katok mula sa loob ng ataul.
"I was a bit surprised, so I asked them to open the coffin, and everyone was startled.
"I saw her opening her eyes slightly and knocking on the side of the coffin.”
Sa palagay ni Pairat, baka matagal-tagal na ring kumakatok ang babae, pero ngayon lang may nakarinig.
Mahina raw kasi ang mga katok nito, mabuti na lang at tahimik sa temple kaya nila naulinigan.
Read: Husband wins PHP226M lotto jackpot prize; hides it from wife
BROTHER OF THAI WOMAN THOUGHT SHE ALREADY STOPPED BREATHING
Sa video ay makikita ang Thai woman na bahagyang ikinikilos ang mga kamay at ulo habang nasa loob ng nakabukas na ataul.
Ani Pairat, ikinuwento ng kapatid nito na dalawang taon nang nakahiga ang babae dahil sa sakit.
Noong November 27, napansin niyang hindi na ito humihinga.
Sa pag-aakalang patay na, isinilid ito ng kapatid sa ataul at dinala sa isang ospital sa Bangkok.
Hiniling pala ng Thai woman na kapag pumanaw na ito, i-donate ang organs niya sa naturang ospital.
Pero tinanggihan ng ospital ang babae dahil wala itong official death certificate.
Dinala na lang ito ng kapatid sa temple na nag-o-offer ng libreng cremation.
Gayunpaman, tinanggihan din ng temple na isagawa ang proseso dahil din sa kaparehong rason na walang official death certificate.
Read: Town in Alaska to experience 65 days without sunlight
THAI WOMAN BROUGHT TO NEARBY HOSPITAL
Habang ipinapaliwanag ni Pairat sa kapatid ng Thai woman kung paano makakakuha ng naturang dokumento, noon na sila nakarinig ng mga katok.
Nang buksan ng staff ng temple ang ataul, nakumpirmang buhay pa nga ang babae.
Agad itong isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Sinabi ni Pairat na ipinarating ng kanilang abbot, o head ng mga monk, na ang temple na ang sasagot sa hospital bills ng babae.
Read: Magnanakaw, caught in the act, nagmano sa lolang biktima
