Isang lasing na raccoon ang pansamantalang isinailalim sa custody ng Virginia police noong November 28, 2025.
Pinasok nito ang Ashland ABC Store, isang tindahan ng alak, noong Black Friday.
Nagbasag ito ng mga bote, at nakalaklak ng alak.
Nang unang mai-report sa pulisya ang insidente, inakala ng mga awtoridad na tao ang may kagagawan ng mga kalat at basag-basag ng bote sa tindahan.

Pero nang sundan ng mga ito ang direksiyon kung saan natapos ang pagbabasag ng mga bote, humantong sila sa comfort room.
Doon nila natagpuan ang raccoon na nakasubasob at walang malay sanhi ng sobrang kalasingan.
Read: Man swallows spoon while drunk; thinks it’s a dream for 6 months
RACCOON DOES A LIQUOR-FUELED RAMPAGE
Ang insidente na tinawag ng mga awtoridad na “liquor-fueled rampage” ay inulat ng malalaking international media outlets last December 2.
Sa larawan na ibinahagi ng Hanover County Animal Protection and Shelter sa official Facebook account nito last December 3, makikita ang raccoon na parang isang partygoer na nag-pass out sa comfort room sa sobrang dami ng nainom na alak.
Ang naturang shelter ang kasamang nag-rescue sa raccoon.

Nasa pagitan siya ng trash can at ng toilet bowl.
Natuklasan ding nakapasok ito sa liquor store matapos makakita ng daanan sa ceiling.
Read: Drunkards’ association protests against rising alcohol prices
RACCOON SUFFERS NO INJURY, RETURNED TO THE WILD
Nang magkamalay na ang raccoon, dinala ito ng mga pulis sa shelter para magpalipas ng hangover.
Isa itong male.
Tinawag ito ng mga nagkakatuwaang residente na “Cole.”
Biro ng mga ito, kailangang may maghatid sa kanya pauwi matapos ang “wild weekend.”
Sa inilabas na statement ng mga awtoridad, sinabing makalipas ang ilang oras ng pagtulog ay sinuri sa shelter si Cole.
Wala umano itong injury.
Ibinalik na rin agad ito sa wild.
Ayon sa bahagi ng statement (published as is): “After a few hours of sleep and zero signs of injury [other than maybe a hangover and poor life choices], he was safely released back to the wild, hopefully having learned that breaking and entering is not the answer.”
Walang nakuhang footage ng insidente dahil nang pumasok si Cole sa ceiling ng liquor store, ayon sa mga awtoridad, “He took the cameras down with him."
Read: Dead body floating in pond just a napping drunk man
NETIZENS REACT TO DRUNK RACCOON’S PASSING OUT
Ang Facebook post ng Hanover County Animal Protection and Shelter tungkol sa lasing na raccoon ay nakakuha na ng 12K reactions; 1,342 comments at 7.5k shares.
Komento ng isang netizen, posible raw na nakikipag-divorce ang misis nito kaya nauunawaan niya si Cole kung bakit inabutan na walang malay sa bathroom.
Sambit naman ng isa pa: “A good drunk always passes out near the toilet.”
Susog ng isa pa: “Who amongst us haven't passed out by the toilet after a bender?”
Pusta naman ng isa, tiyak daw na maikukuwento ni Cole sa raccoon buddies nito ang naging karanasan, “that’s if he can remember anything from that wild night.”
Marami rin ang nagsabi isa ito sa funniest things na nakita nila sa social media na hindi AI generated.
Mas masaya pa raw ito kaysa sa movie na The Hangover.
Pinasalamatan naman ng shelter ang police officer na nag-rescue kay Cole.
Ayon sa bahagi ng post ng shelter: “A big shout-out to Officer Martin for handling this chaotic scene with professionalism and good humor. Just another day in the life at Hanover Animal Protection!”
Read: Drunk man in flip-flops unknowingly completes 8-kilometer run
