PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ghost apples: The amazing facts behind this phenomenon

Not an optical illusion
by KC Cordero
Published Dec 10, 2025
Photo of ghost apple
Ang beautiful occurrence ng “ghost apples” ay nangyayari kapag ang sobrang hinog na mansanas na hindi napitas sa puno ay inabutan ng napakalamig na panahon. (Photo: Andrew Sietsema)

Noong February 2019, iniulat ng news website na Today at iba pang international media ang tungkol sa “ghost apples” sa Michigan, USA.

Nangyayari ang kakaibang phenomenon na ito kapag ang casing ng mansanas ay nabalutan ng yelo habang nakakabit sa puno.

Una itong napansin ni Andrew Sietsema, isang residente ng Sparta, Michigan, noong 2019.

Nagpu-prune siya ng ilan sa mga puno ng apple sa kanyang orchard matapos tamaan ng freezing rain ang kanilang lugar.

Naobserbahan niyang naging yelo ang mga mansanas na hindi napitas.

Hand holding a ghost apple
Hindi optical illusion, totoong may ghost apples. Photo:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinunan niya ng larawan ang tinawag niyang "ghost apples," at ayon pa sa kanya, “They felt like Christmas tree bulbs.”

Nasa 1.5 inches ang kapal ng yelo.

Read: Town in Alaska to experience 65 days without sunlight

HOW GHOST APPLES HAPPEN

Ipinaliwanag ni Susan Brown, isang professor ng Herman M. Cohn Professor of Agriculture and Life Sciences sa Cornell University, kung paano nangyayari ang ghost apples phenomenon.

Aniya, ang mga hindi napitas sa mga puno matapos ang harvest season ay nabubulok ang loob at nagkakaroon ng apple-sauce-like consistency.

Matibay ang balat kaya napapanatili sa loob ang apple sauce na parang tubig na nasa loob ng isang lobo.

Ghost apple in the tree
Ang ghost apples ay resulta ng sobrang hinog na mansanas na inabutan ng napakalamig na panahon. Photo: Andrew Sietsema
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa kumbinasyon ng freezing rain at matagal na subzero temperatures, sa una ay nababalutan muna ng yelo ang buong prutas.

Pero habang nagtatagal, ang nabubulok na apple mush ay kusang lumalabas sa ilalim ng nagyeyelong icy sphere.

Dahil dito, naiiwan ang detailed, hollowed-out impression ng apple.

Para kay Brown, nakakadagdag ng excitement para sa mga apple growers ang phenomenon na ito.

Patunay rin ang ghost apples sa dedikasyon ni Andrew—na kahit nagyeyelo ay tiningnan ang sitwasyon ng mga tanim na apples.

Read: Influencer spends PHP33M on hyaluronic acid shots for 8-pack abs

VARIETIES THAT COULD PRODUCE GHOST APPLES

Ang photos ng ghost apples na nakunan ni Andrew ay patuloy na nagsi-circulate sa social media lalo na sa panahon ng taglamig.

Napakaraming namamangha rito.

Kadalasang nagiging ghost apples ang varieties na Golden Delicious at Jonagold apples, na siyang klase ng mga tanim ni Andrew.

Read: Rare one-eyed kitten born in Brazil

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OCCURRENCE OF GHOST APPLES, VERY RARE

Ayon kay Andrew, iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng ghost apples.

"I haven’t seen this phenomenon before, but I’m sure it’s happened before in other ice storms.

"And I mean, anything looks pretty cool with ice covering it."

Sinabi naman ni Brown na may mga reports na ng ghost apples sightings.

“But only those brave enough to face the elements after an ice event.”

At karamihan sa mga ito ay hindi na nakukunan ng larawan dahil sa sobrang lamig.

So far, ang nasaksihan pa lang ni Andrew ang fully documented occurrence.

Read: Woman set for cremation found alive after knocking from inside her coffin

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang beautiful occurrence ng “ghost apples” ay nangyayari kapag ang sobrang hinog na mansanas na hindi napitas sa puno ay inabutan ng napakalamig na panahon. (Photo: Andrew Sietsema)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results