PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Moviegoer brings traps to rat-infested cinema to enjoy movie

His initiative pays off.
by KC Cordero
Published Dec 13, 2025
The trap
Dahil sa dami ng mga daga sa loob ng isang sinehan, isang moviegoer ang nakaisip na magdala ng mousetraps. (Photo: Cole Pauley)

Mahilig pa ring manood ng sine sa movie house si Cole Pauley, 42, ng Waco, Texas, USA.

Paborito niyang sinehan ang Cinemark sa kanilang lugar sa Waco.

Bahagi ito ng tradisyon ng kanilang pamilya kung saan kasama niya sa panonood ng movie ang kanyang 15 anyos na anak babae.

Photo of Cole Pauley
Ang movie fan na si Cole Pauley. Photo from his Facebook account.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang linggo nang paulit-ulit nilang pinapanood ang sequel ng Now You See Me: Now You Don’t na pinagbibidahan nina Jesse Eisenberg, Woody Harrelson, at Dave Franco.

Sa kasamaang palad, ang naturang movie theater ay pinamumugaran na ng mga daga.

Madalas na itong silipin ng health inspectors.

Marami na kasing nagrereklamo.

Sa sobrang dami ng mga daga, apektado ang moviegoers.

Isang patron ang napaulat na bigla na lang nagtitili at nagtatakbo palabas ng sinehan dahil may isang daga na nakiinom sa binili nitong softdrinks.

Ayon kay Abigail Salas nang makapanayam ng local media na KWTX News 10 last October 14, 2025, naramdaman niyang parang may gumapang sa kanyang kamay.

Binuksan niya ang flashlight na dala at nakita ang daga na kinakagat na ang straw ng hawak niyang softdrinks na parang gutom na gutom.

Read: Ghost apples: The amazing facts behind this phenomenon

MOUSE TRAP IDEA FROM A COWORKER

Nagtatrabaho si Cole Pauley bilang vice president sa isang construction firm.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tingin niya, ang pagdami ng daga sa sinehan ay dahil sa itinatayong gusali sa field na malapit dito.

Nabulabog aniya ang mga daga at doon namahay sa sinehan, na napakabango pa naman ng halimuyak ng popcorn.

The movie house
Ang paboritong cinema ni Cole Pauley na pinamamahayan na ng mga daga. Photo: KWTX News 10
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagdesisyon si Cole na maging matahimik at rat-free ang panonood nilang mag-ama sa Cinemark movie house.

Ang kanyang ginawang paraan—nagdala siya ng mouse traps sa sinehan.

Sinunod niya ang suggestion ng kasamahan niya sa trabaho na dapat magdala ng mouse trap ang kada moviegoer na manonood sa Cinemark.

Mauubos umano ang mga daga kung maya’t mayang may kakagat sa trap at mahuhuli.

Naisip ni Cole, bakit nga ba hindi?

Read: Raccoon breaks into liquor store, passes out in bathroom

MOUSE TRAPS COMPLETE WITH ACCESSORIES

Nang muling manood si Cole at ang kanyang daughter ng Cinemark, nagdala siya ng dalawang mouse trap.

Kargado ang mga iyon ng pamain na cheese sticks.

Photo of mouse traps
Ang mouse traps na inihanda ni Cole Pauley. Photo: KWTX News 10
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilagay niya ang isa sa ilalim ng kanyang upuan, at ang isa pa ay sa ilalim naman ng upuan ng kanyang anak.

The trap
Ang pinagpuwestuhan ni Cole Pauley ng mouse trap. Photo from his FB account

Ani Cole, “She was, of course, mortified about having mousetraps underneath her chair.”

Siya naman ay natatakot na baka may dagang makisalo sa kanya habang kumakain ng paborito niyang popcorn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman set for cremation found alive after knocking inside coffin

COLE’S INITIATIVE PAYS OFF

Nagbunga naman ang effort ni Cole.

Isang rat ang nahuli sa ikinasa niyang trap.

Sulit aniya ang pagtitiyaga niyang maglagay ng pain dahil na-enjoy ng kanyang anak ang movie nang walang distractions.

Ang naging experience ay ibinahagi ni Cole sa kanyang Facebook account last November 22.

Ini-upload niya ang larawan ng rat na nahuli ng inilagay niyang trap.

Nilagyan niya iyon ng caption na: “The loudest jump scare wasn’t from the movie. You’re welcome, Cinemark Waco. I’m not even charging.”

Read: Man wins PHP24K in lying-flat contest; rests on bed for 33 hours

CINEMA saved FROM BEING SHUT DOWN

Dahil naman sa concern ng patrons, naglabas ng statement ang Cinemark na sisiguraduhin nitong mareresolba ang problema sa mga daga sa lalong madaling panahon.

Nakipag-partner na umano ito sa pest specialist para mapanatili ang kalinisan ng sinehan at magkaroon ang patrons ng “outstanding moviegoing experience.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinatuwa naman ni Cole na dahil sa kanyang ginawa, na-save ang sinehan sa posibilidad na i-shutdown ito ng health inspectors.

“We have one really nice movie theater, and that’s at Cinemark.

“I don’t want to see us lose our nice theater.”

Ipinagmalaki rin ni Cole na sa kanyang palagay, siya ang pinakaunang moviegoer na nagdala ng mouse trap sa maraming dagang sinehan para lang ma-enjoy ang panonood ng pelikula.

Read: Husband wins PHP226M lotto jackpot prize; hides it from wife

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa dami ng mga daga sa loob ng isang sinehan, isang moviegoer ang nakaisip na magdala ng mousetraps. (Photo: Cole Pauley)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results