Isang office employee sa Spain ang natanggal sa trabaho dahil sa kakaibang dahilan: Masyado siyang maagang pumasok.
Kung sa ibang boss ay kapuri-puri ang ganitong habit, hindi naman ito nagustuhan ng kanyang boss.

Ang insidente ay iniulat ng news website na Daily Mail last December 9, 2025.
Hindi na pinangalanan ang Spanish office employee, pero sinabing 22 years old ito at residente ng Alicante na nasa south-east Spain.
Read: Moviegoer brings traps to rat-infested cinema to enjoy movie
BOSS FIRES EMPLOYEE
Napag-alamang ang Spanish office employee ay ilang beses nang nabigyan ng warning dahil sa kakaibang offense simula pa noong 2023.
Dumarating siya sa opisina sa pagitan ng 6:45 A.M. hanggang 7:00 A.M.—na mas maaga sa kanyang 7:30 A.M. shift.
Gayunpaman, sa kabila ng maraming beses na paalala ng management, maaga pa rin daw itong dumarating kahit wala pang gagawin.
Sa patuloy na pagsuway niya, tuluyan siyang sinibak dahil umano sa serious misconduct.
Ayon sa boss, ang early-bird routine ng empleyada ay hindi naman daw nakatutulong sa kumpanya.
Nagpapakita rin daw ito ng katigasan ng kanyang ulo at pagsuway sa mga kautusan.
Read: Ghost apples: The amazing facts behind this phenomenon
EMPLOYEE BRINGS HER ISSUE TO COURT, BUT…
Matapos masibak sa puwesto, dumulog ang Spanish office employee sa Social Court of Alicante.
Pagbibigay-diin niya, ang kanyang dismissal ay hindi makatarungan.
Pero mas kinatigan ng korte ang management.
Binalewala umano ng Spanish office worker ang multiple verbal and written warnings.
Bukod sa nakapagtala siya ng 19 early arrivals, nagla-log in din daw siya sa company app bago pa man makarating sa opisina.
Inakusahan din siya ng kumpanya na nagbenta ng used company car battery nang walang permiso.
Para sa korte, karagdagan ito sa pattern of disloyalty ng empleyada.
Sa inilabas na ruling, ang pagsibak sa empleyada ay hindi dahil sa kanyang “excessive punctuality” kundi sa pagiging matigas ng ulo at hindi pagsunod sa workplace rules.
Isa itong seryosong paglabag sa ilalim ng Article 54 ng Spanish Workers' Statute.
Read: Raccoon breaks into liquor store, passes out in bathroom
NETIZENS REACT; EMPLOYMENT EXPERTS HAVE EXPLANATION
Ang kaso ng Spanish office employee ay naging mainit na talakayan sa social media.
Maraming netizens ang nagtaka dahil ang pagiging maaga pala sa pagpasok sa opisina ay maaaring maging dahilan pala para matanggal sa trabaho.
Gayunpaman, maraming employment experts ang nagpaliwanag na ang mga kumpanya ay may karapatang magpatupad ng mahigpit na access sa kanilang vicinity.
At sa kaso ng Spanish office employee, ang rule na ito ay malinaw na naipabatid sa kanya ng management nang ilang beses.
Ang empleyada ay maaari pa ring isampa ang kanyang kaso sa Supreme Court of Valencia.
Sa ngayon, nananatili ang desisyon ng Social Court of Alicante.
Read: Woman set for cremation found alive after knocking inside coffin
