Isang 32 anyos na lalaki sa New Zealand ang hinihinalang lumulon ng pendant na nagkakahalaga ng 33,000 New Zealand dollar (PHP1,115,946) para maitakas ito mula sa isang jewelry store.
Iniulat ito ng news website na NZ Herald last December 3, 2025.
Hindi na pinangalangan ang lalaki.

Sa ulat ng New Zealand police, nilulon ng lalaki ang isang ornate Fabergé octopus pendant sa Partridge Jewelers sa Auckland last November 28.
Read: Employee fired for reporting too early at work
POLICE WAIT FOR NATURE TO TAKE ITS COURSE
Ang lalaki ay itinuring munang suspect.
Wala pa kasing ebidensiya na siya nga ang lumulon sa pendant.
Para mapatunayan ito, kailangan ng mga pulis na hintaying mapadumi ito at mailabas ang ninakaw na item.
Naaresto ito sa loob mismo ng jewelry store ilang minuto matapos maganap ang nakawan.
Ayon kay Grae Anderson sa panayam ng media: “At the time of his arrest he underwent a medical assessment, and an officer is assigned to constantly monitor the man.
“At this stage the pendant has not been recovered.”
Humarap na ito sa Auckland District Court noong November 29.
Hindi ito nag-enter ng kahit anong plea sa kasong theft.
At hindi pa rin siya nakararamdam ng tawag ng kalikasan hanggang nang mga sandaling iyon.
Read: Influencer gives PHP100M Christmas gift to 88-year-old cashier
THE PENDANT THAT THE MAN STOLE
Ang ninakaw na pendant ng lalaki ay isang limited-edition Fabergé egg pendant na inspired by 1983 James Bond film na Octopussy.
Sa paglalarawan ng website ng Partridge Jewelers sa pendant, 50 lang nito ang na-produce.
Yari ito sa ginto at pininturahan ng green enamel.
Naka-encrust din sa pendant ang 183 diamonds at two sapphires.
May taas itong 3.3 inches.
Naka-mount ito sa isang stand nang manakaw.
Dagdag na description ng website sa pendant: “The egg opens to reveal an 18-carat yellow gold octopus nestled inside, adorned with white diamond suckers and black diamond eyes.
“The octopus surprise pays homage to the eponymous antagonist at the center of the Octopussy film.”
Read: Moviegoer brings traps to rat-infested cinema to enjoy movie
MAN FINALLY DROPS THE PENDANT
Naging kainip-inip naman para sa New Zealand police ang paghihintay na mailabas ng lalaki ang pendant.
Kailangan kasing mapatunayan na nilulon talaga nito iyon para tuluyang makasuhan.
Ani Anderson, “Given this man is in police custody, we have a duty of care to continue monitoring him given the circumstances of what has occurred.”
Makalipas naman ang anim na araw, last December 4 ng gabi, ay lumabas na ang pendant.

Nag-exit ang alahas sa gastrointestinal tract nito sa natural na paraan at hindi na kinailangan ang anumang medical intervention.
Naglabas ang pulisya ng hindi kaaya-ayang larawan ng pendant na hawak ng isang kamay na may suot na glove.
Kitang-kita rin ang mahabang kadenang ginto nito, at nakakabit pa rin ang tag price.
Ang suspek ay mananatili sa police custody habang dinidinig ng korte ang kaso—na ngayon ay may matibay nang ebidensiya.
Read: Raccoon breaks into liquor store, passes out in bathroom
