Naging adhikain ni Rich Luchford ng Oshawa, Ontario, Canada, na maging inspirasyon sa kanyang mga kapitbahay.
Isa siyang dog lover.
May alaga siyang dachshund—si Mia.
Pagsapit ng kalaghatian ng summer of 2025, nagsimula siyang magsuot ng dachshund costume habang ipinapasyal ang kanyang pet.
Gusto niyang matuwa ang mga kapitbahay sa kanyang ginagawa.
Nais din niyang maramdaman ni Mia na ang kasa-kasama nito sa paglalakad ay isa ring dachshund.

Ani Rich sa panayam ng CTVNews.ca. last September 15, 2025: “Just the way her ears flap when she’s walking or running…it brings me joy.
“So, me dressing up like a dachshund walking a dachshund, I figured that would be pretty funny.”
Read: Meet Max: Internet’s most human-looking dog
MAN WEARING DACHSHUND SUIT GAINS SOCIAL MEDIA POPULARITY
Magmula noon, tuwing ilalakad ni Rich si Mia, naging practice na niyang isuot ang inflatable dachshund suit na nabili niya sa Amazon.

Hindi naman siya nabigo dahil kinatuwaan silang mag-amo.
Kapag may nakakasalubong, kinukunan sila ng pictures o kaya’y videos.
Gumawa rin siya ng social-media account na Undercover Dachshund, kung saan niya ibinabahagi sa netizens ang mga photos and videos ng pamamasyal nila ni Mia.
Read: NETIZENS REACT: Owner brings tattooed dog to pet fair
MAYOR RECOGNIZES EFFORT OF MAN WEARING DACHSHUND SUIT
Napukaw ni Rich maging ang atensiyon ni Whitby Mayor Elizabeth Roy, na inimbitahan ang dog owner sa city hall para pagkalooban ng “certificate of joy.”
Nang ganapin ang awarding, hindi sinabi ng mayor sa city hall staff na darating si Rich.
Kaya ganoon na lang ang tuwa ng mga ito nang makita ang panauhing pandangal na suot ang kanyang inflatable dachshund suit.
Sambit ng alkalde: “He went to check in the costume and asked for a dog license.
“It was a great way to start the day.”

Ang iginawad na certificate kay Roy ay bilang pagkilala ng alkalde at ng town council sa paghahatid niya ng saya sa komunidad.
Ani Mayor Roy: “It’s about the purpose of giving people something to smile about.
“He left our town hall, and everyone was laughing about it.”
Read: Tiny but mighty! Small dog chases off bear over food
MAN WEARING DACHSHUND SUIT RECEIVES INVITATIONS, PAID OPPORTUNITIES
Sa mga nakalipas na buwan ay mas lalong sumikat si Rich.
Kabi-kabila ang panayam sa kanya ng malalaking media organizations.
Nagsimula rin siyang tumanggap ng mga imbitasyon para sa school assemblies at charity events.
May dog groomers ding nag-aalok ng paid opportunities.
Dahil sa kanyang popularidad at mga oportunidad, ang kanyang misis at anak na babae ay nagpaplanong mag-alaga ng isa pang dachshund.
Biro ni Rich sa isang panayam: “If I could make some money at this and quit my job and stay home with two dachshunds, I will definitely get two dachshunds.”
Sa ngayon, gusto niyang mas lumaki pa ang kanyang social-media audience sa tulong kanyang mag-ina.
Gusto rin niyang simulan ang “Wiener Dog Wednesdays,” kung saan puwedeng makisabay sa paglalakad nila ni Mia ang iba pang dachshund owners, may costume man o wala.
Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue
