Nitong nakaraang Pebrero 2026, takaw-atensiyon ang isang halaman dahil sa eskandalosong pangalan nito.
Ito ang “kantutan,” o ang Paederia foetida L., na kaanak ng pamilya ng mga kape o Rubiaceae family.
Ang halamang ito ang hinirang na Plant of the Month noong February ng Makiling Botanic Gardens sa University of the Philippines - Los Baños (UPLB).
May distinct features ang kantutan: hugis puso ang mga makinis nitong dahon at ang bulaklak nito ay kulay purple at white.
Kapag dinurog ang dahon o bulaklak, nangingibabaw ang pinagsamang amoy ng asupre o sulfur.
In short, mabaho siya kaya ang tawag dito sa Ingles ay skunkvine o stinkvine.
Native ang halamang ito sa Pilipinas at mga karatig-bansa sa Asya at Himalayas.

Read: The rise of Joseph Pasalo in travel vlogging
BENEFITS OF “KANTUTAN”
Pero sa kabila ng shocking name ng halaman, marami itong benefits.
“Puwede siyang kaining hilaw, puwede din siyang ilaga,” ani Angela Limpiada, university extension associate sa Makiling Center for Mountaion Ecosystems sa UPLB, sa One PH interview.
Sa ibang bansa, binubudburan lamang ito ng asin at sili.
Dagdag ni Limpiada: “Sa India saka sa China, ginagamit nila ito panggamot sa mga sakit na related sa pantog, yung mga urinal retention, urinary bladder, stones. Puwede rin siya gamot sa diarrhea at marami pang iba.”
Hindi pa raw scientifically proven ang benefits ng halaman, subalit matagal na itong ginagamit bilang traditional medicine ng mga locals sa mga bansa kung saan ito matatagpuan.
Sa Indian medical website na Planet Ayuverda, which is focused sa herbal products, binanggit ang napakaraming benefits ng skunkvine.
"Paederia foetida is an important herb that grows in central and eastern Himalayan ranges. It has been used in Ayurvedic medicines which has been used since ages for different purposes.
“As per the properties and functions of the herb it is used in healing the problems related to intestinal health (particularly anti-diarrheal and anti-dysentery) and as a support for male health.”
Ginagamit din nila ito bilang halamang gamot para sa rheumatism, arthritis, at gout.
Read: Tips: How to remove fabric stains with these household items
REASON BEHIND THE NAUGHTY NAME
Nagbigay naman ng paliwanag si Limpiada sa posibleng dahilan sa likod ng pangalan ng Kantutan.
“Ang mga Pilipino, mahilig gumawa ng mga pangalan sa mga halaman base sa mga itsura, base sa mga kulay, o base sa kung ano ang naoobserbahan nila dito. Mabirong dialect...” pagtukoy niya sa wikang Pilipino.
“Kinukumpara yung amoy nito sa sexual reference.”
Pagdedetalye niya sa amoy ng halaman, “Sulfuric yung amoy niya kasi tinry ko siyang i-crush… yung sobrang baho niya na parang amoy poops na amoy sperm.”
Ang kantutan ay isang halamang gumagapang at karaniwang natatagpuan sa masukal at matataas na lugar.
