PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: The story behind a house blessing for rented Airbnb

Giving life hacks to some netizens!!!
by Arniel C. Serato
Published 8 hours ago
House blessing---complete with priest and catering---at an airbnb home sparks discussion among netizens
Several photos from a house blessing went viral. Why? The uploade claims: "Nagpa-house blessing ng hindi niya bahay!"
PHOTO/S: Courtesy: Badette Dulay Galo on Facebook

Nag-viral sa Facebook ang post ng nagngangalang Badette Dulay Galo nitong nakaraang July 1, 2026.

Tungkol ito sa isang house blessing.

Sa mga larawang kalakip, makikitang may pari, may mga bisita, at may pa-catering service pa.

Yun nga lang, ang bahay ay hindi pagmamay-ari ng nagpasimuno ng selebrasyon.

Nirentahan lamang daw ito thru Airbnb ng isang nagngangalang "Hanah."

Sabi ng uploader: "HOY MADAM HANAH! ANG GANDA NG BAHAY MO AH!

"__________, nagpa-house blessing ng hindi niya bahay! Yan ung AirBnb na sinasabi mong bahay mo. Nanggigigil tuloy ung owner. Samfal ko sa 'yo ung titulo niya sa 'yo eh! Di kita titigilan! Dodoblehin ni Medem Owner yung 10k! Sareh!"

Badette Dulay Galo post on Facebook
Photo/s: Courtesy: Badette Dulay Galo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Trans beauty queen Kataluna Enriquez recovering from accident

Ang nasabing Airbnb house ay matatagpuan sa isang town na kilala sa pottery sa bandang norte.

Meron itong apat na kuwarto, dalawang banyo, swimming pool, at barbecue area.

Viral airbnb in Ilocos

UPLOADER's STORY On the house

May dagdag na kuwento si Badette sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang house ay gusto palang bilhin ng Airbnb renter, na naka-base sa Canada.

Nagkaroon na raw ng initial discussion with the owner, na naka-base naman sa U.S.

Nineteen million pesos ang halagang napag-usapan, at may pinaayos pa nga raw sa arkitekto ang Airbnb renter na ipinagawa naman ng owner.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Badette: "Siya po ang may kagustuhang bilhin. So okay naman ang owner.

"Kaso wala pa mang bayaran, inaangkin na niya."

Diin niya: "...wala pa mang ni piso na naibayad, nagpa-house blessing na.

"Nagpalagay ng mga pictures niya sa bahay. Nalaman ni owner, pinagtatanggal.

"Nagre-rent siya dun like thrice na po. Then itong huli, hindi na nakapagbayad."

Ayon pa kay Badette, bukod sa hindi raw nabayarang rent, may iba pa raw "utang," kasama ang gastos sa pagpapa-repair sa architect ni owner.

"Suma total na P235k. Puro talbog ang cheke..."

Nasaan na ang Airbnb renter?

Sagot ni Badette: "Nasa Canada na po ulit."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaano-ano ba ni Badette ang owner ng bahay? Bakit niya in-upload ang mga photos?

Sagot niya: "Nag-reach out sa akin ang owner nung nabuking na ang Hanah...May atraso din sa akin ang Hanah.

"In-invite kasi kami...Yun yung airbnb na sinasabi niyang bahay niya. Follower ko kasi ang Hanah.

"So napaniwala niya kaming mayaman siya. Nag-order sa akin ng worth P29,500 na pabango. Binigyan ako ng 2 receipts na peke.

"So ang mga kabigan kong bakla ang tumuloy. Hindi ako sumama. Since iba ang kutob ko dahil di ko nailabas ang payment niya.

"Then enjoy-enjoy sila dun sa Airbnb. At airbnb nga ang bahay.

"Kaya na-badtrip sa akin ang Hanah dahil buking na siyang hindi sa kanya ang bahay.

"Wala ding alam ang owner na inaangkin na pala ng Hanah ang bahay.

"So naging instant frenny [friends] kami ni owner at siya mismo nakiusap sa akin na ipost ko ang Hanah."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The house blessing of an airbnb rental complete with guests and a priest that went viral on Facebook
The house blessing of an Airbnb renter complete with guests and a priest.
Photo/s: Courtesy: Badette Dulay Galo

Read: BINI tapped as Philippine tourism ambassadors

NETIZENS REACT

Halos puro katatawanan naman ang mga komento ng mga netizens sa post.

Yung isa, nabigyan daw siya ng idea kung paano magpa-house blessing kahit wala pa siyang house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens on viral airbnb

May gumawa pa ng kuwento. Baka raw may anak na nasa abroad ang Airbnb renter tapos kunyari ay ipinakita ang naipundar na bahay.

Netizens on viral airbnb
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At may pa-catering pa raw talaga.

Netizens on viral airbnb

Mas mura naman daw ang ganitong klaseng pa-blessing. "Libre bahay" kasi.

Netizens on viral airbnb
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In effect, para raw itong "life hack."

Netizens on viral airbnb

May netizen na nag-label dito bilang literal na "blessing in disguise."

Netizens on viral airbnb
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nora Aunor's children dispute: A timeline

Wala pang pahayag ang Airbnb renter tungkol sa selebrasyong naganap.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang side of the srtory.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Several photos from a house blessing went viral. Why? The uploade claims: "Nagpa-house blessing ng hindi niya bahay!"
PHOTO/S: Courtesy: Badette Dulay Galo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results