Alvin Dave Ocampo, from dressing up Barbie dolls to legit fashion designer
by Bernie V. Franco Meet Alvin Dave Ocampo, dating doll enthusiast na isa na ngayong ganap na fashion designer.
Nakilala si Alvin dahil binibihisan niya ang mga Barbie doll ng mga replica ng mga damit ng mga artista.
Dahil dito, nakuha niya ang atensiyon ng mga artista at kilalang fashion designers, gaya nina Michael Cinco at Francis Libiran.
wrong college course
Bagama't Tourism Management ang kinuhang kurso ni Alvin sa kolehiyo, aminado siyang napilitan lang siyang kunin ito.
Fashion designing ang talagang gusto niyang kuning kurso ngunit sinabihan siya ng kanyang magulang na "hobby" lang ang fashion designing at hindi tunay na trabaho.
Sa kabila nito, nanatili ang kanyang passion sa fashion designing.
Nagmistulang training para sa kanya ang pag-i-sketch ng gowns at dresses at pagbibihis sa Barbie dolls.
Hindi kalauanan, marami na ang nakakapansin ng kanyang talento at galing.
Dumating pa sa puntong sa kanya na nagpagawa ng disenyo ng uniform ang kanilang kolehiyo.
CELEBS START TO NOTICE HIM
Hindi huminto sa kanyang mga kaibigan, mga kaklase, guro, at buong pamantasan nila, ang paghanga na natatamo ni Alvin.
Hindi katagalan, napansin na rin siya ng mga artista't kilalang fashion designers.
Nagkaroon na rin siya ng kliyente at sinuportahan na ng kanyang mga magulang ang pangarap niyang maging fashion designer.
Matapos mag-college, kumuha ng Fashion Design course si Alvin dahil nandito ang kanyang puso.
Unti-unti na ring nakikilala ang kanyang talento na nagsimula lang sa paglikha ng mga damit para sa mga manyika.
Ngayon, gumagawa na siya ng magagandang gowns at dresses para na sa mga tao.
#AlvinDaveOcampo #AnoAngKuwentoMo #PEPinspires #BarbieDollDresses #FashionDesigner
Producer/Writer: Bernie Franco
Offline Editor: Carlo Dominguez
Online Editor/Voice: John Henri Mariano
Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Watch us on Kumu: pep.ph





