Nakipag-collaborate ang researcher na si Marc Teyssier ng United Kingdom sa Virgin Media O2 para makagawa ng phone cover na tinawag niyang Skincase.
Ang Skincase ay parang totoong balat ng tao.
Nagkakaroon din ito ng sunburn kapag natagalang nakabilad sa matinding sikat ng araw.

Ang video ay in-upload ng Virgin Media O2 sa official Instagram account nito last July 9, 2025.
Na-inspire daw si Marc na i-develop ang Skincase matapos lumabas sa mga research na ang mga taong nasa ilalim ng araw sa mga oras na may high UV index—lalo na kapag nasa beach—ay nakakaligtaang maglagay ng sunscreen protection sa kanilang balat.
Read: 12.6-inch shoe of Roman soldier unearthed in England fort
WHY THE “HUMAN SKIN” PHONE CASE
Ang magiging purpose ng Skincase ay magsisilbing paalala na gumamit na ng sunscreen protection o kaya ay sumilong muna kapag exposed sa araw.

Ani Marc: “My work often seeks to bridge the gap between our digital lives and our physical well-being.
“The Skincase is a prime example of how technology can be harnessed to promote health awareness and encourage positive behavioral change.”
Read: Boy gets PHP152K reward after spotting stolen PHP23-M vehicle
PHONE CASE IS MADE OF SYNTHETIC MATERIALS
Bagaman at mukhang totoong balat ng tao at “creepy” kung titingnan, iginiit ni Marc na yari ito sa synthetic materials.
Gumamit siya ng kumbinasyon ng silicone at UV-reactive elements para makopya ang balat ng tao.
Isa-isa naman niyang inukitan ng mga gatla ang prototype na na-produce gamit ang 3D printing.
Ang Skincase ay may tatlong magkakaibang skin tones, na bawat isa ay nagre-react sa UV rays sa pamamagitan ng pagpapalit ng kulay.
Para rin itong balat ng tao na namumula o nangingitim kapag sobrang nabilad sa sikat ng araw.
Bagaman at matagumpay ang research and development ni Marc, hindi pa opisyal na inilulunsad ang skincase sa market.
Read: Man forgets wife at gas station; realizes 300 kilometers later
