Ang Namib Desert sa Namibia ang itinuturing na pinakamatanda at pinakatuyot na disyerto sa mundo.
Pero alam niyo bang sa gitna nito ay may matatagpuang pink refrigerator?
At ito ay functional, hindi lang pang-display.

May katabi itong metal table at dalawang maliliit na silya—na kulay pink din.
Madadaanan ang pink refrigerator sa Desert Grace kung papunta sa Gondwana Hotel, approximately 20 minutes ang layo mula sa main road.
Ang bright pink hue ay malaking contrast sa muted tones ng surrounding landscape, kaya nagmumukha itong landmark sa maituturing na featureless terrain.
Read: 200-year-old condom with erotic art on display in Dutch museum
PINK REFRIGERATOR A MODERN TAKE ON DESERT OASIS
Ang pink refrigerator ay in-install ng tourism board ng Namibian government.
Una itong itinampok sa news website na africaviewsfacts.com noong May 2, 2024.
Sa ngayon, isa ito sa most popular attractions sa naturang African country.
Nakadisenyo ang pink refrigerator bilang modern take sa oasis sa disyerto para sa mga nauuhaw na manlalakbay.
Ang oasis ay fertile area sa mga tuyong lugar, partikular ang disyerto, na maaaring tubuan ng mga halaman at maging habitat ng mga hayop.
Itinuturing ang oasis na source ng freshwater.
Read: Bed Cliff: Experience taking a rest at 320-foot cliff
HOW THE PINK REFRIGERATOR WORKS
Ang pink refrigerator ay gumagana sa pamamagitan ng solar energy.
Libre ang bottled water na nasa loob nito bilang simbolo ng pagiging hospitable ng Namibian people.
Bukod sa tubig, may laman din itong iced tea.

Ilang beses itong nire-refill sa loob ng isang araw.
Pero dahil naging popular na nga sa mga turista, kadalasang ubos na ang laman ng pink refrigerator pagsapit ng gabi.
Read: Bank requires bedridden old woman to go to branch for biometrics
SOCIAL MEDIA BOOSTS POPULARITY OF PINK REFRIGERATOR
Nang unang i-install ang pink refrigerator, hindi ito masyadong pinapansin ng mga turista.
Understandable ang kanilang pagiging skeptic dahil weird nga naman talaga na may appliance sa gitna ng disyerto.
Pero mula nung may mag-post nito sa social media at nag-viral, dumagsa ang mga turista sa Namibia para lang makita nang personal ang pink refrigerator.

Strategic din ang kinalalagyan nito: sa ibabaw ng munting burol.
Doon ay tanaw ang likas na kagandahan ng Namib Desert, partikular ang paglubog ng araw.
Ipinapaalala naman ng tourism board sa mga turista na huwag agad uupuan ang pink chairs and metal table.
Dahil maghapong nakabilad sa matinding sikat ng araw, napakainit nila.
Ang purpose nila actually ay pandagdag sa aesthetic ng famous pink refrigerator in the middle of the desert.
Pero kung hindi na mainit, you can sit, relax, and enjoy the view.
Read: Woman runs marathon in wedding dress in search of future husband
