Halos mapuno ang SM Mall of Asia Atrium para tunghayan ang pagbubukas ng ilaw ng malaking Christmas Tree ng mall nitong nakaraang Sabado, November 7.
Bukod dito ay nagdagsaan ang mga mga fans ng Los Angeles-based a capella boy band na The Filharmonic para mapanood ang kanilang kauna-unahang concert dito sa Pilipinas.
Unang nakilala ang The Filharmonic matapos nilang manalo bilang fourth place sa The Sing Off, isang a capella music competition.
Lumabas din ang The Filharmonic sa pelikulang Pitch Perfect 2 kasama sina Brittany Snow, Hailee Steinfeld, at Anna Kendrick.









