Ngayong Sabado, January 16, ipagdiriwang na nina Alden Richards at Maine Mendoza (aka Yaya Dub) ang kanilang 6th monthsary simula nang magsimula ang ALDUB love team.
Nag-umpisa ang kanilang tambalan noong July 16 nang biglang ma-distract si Yaya Dub habang nagda-Dubsmash dahil pinapanood siya ni Alden.
Ngunit bago ang kanilang 6th monthsary bukas, balikan natin kung paano nag-celebrate ang AlDub ng nakaraang monthsaries sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.














