Pinag-uusapan na ang bagong proyekto ng
Videoflick Production, ang Erotika: M2M 2 (The Art of Striptease and
Sensual Dancing). Ang naturang produksyon ang siya rin nag-release ng
kontrobersyal na M2M: Masahe na nagturo naman ng art of sensual
massage.
Ang Erotika video ang nagsisilbing sequel ng naunang M2M video. Isa rin itong instructional video ngunit sexy dancing naman ang itinuturo. Perfect ito lalong-lalo na sa mga mahilig gumiling at sumayaw sa saliw ng mababagal at mapang-akit na musika.
Kabilang sa mga sexy dance routines na mapapanood sa Erotika ay ang lap dancing, striptease at pole dancing. Hindi ito mahirap sabayan dahil ilan sa mga bahagi nito ay slow motion upang lalong makita ang bawat detalye ng galaw ng katawan ng mga models.
Speaking of models, hindi kumpleto ang ganitong klaseng instructional video kung wala ang mga matitipuno at guwapong models upang mag-demonstrate ng mga sexy dance moves. Sa Erotika, tampok ang mga newcomers na sina Dexter Castro,—first runner-up ng Ginoong Pilipinas 2006—Ivan Maxwell, Gael, Rojer at Seff Posadas. Sila ang mga iindak sa inyong mga video screen, suot ang mga sexy at skimpy outfits na lalong magpapagana sa inyong pagsasayaw.
Ang mga naturang models ay sumailalim sa isang dance workshop na pinamunuan ni Charles Thompson, ang chief choreographer ng dance company na Hotlegs.
Hotter than ever, sizzling, electrifying and gyrating—ilan 'yan sa mga salitang nakasulat sa cover ng VCD ng Erotika: M2M 2 (The Art of Striptease and Sensual Dancing). Mabibili na ito sa mga record at video stores.
