Nagkaroon ng kilig moments ang real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre sa live viewing party ng On The Wings of Love na ginanap noong February 26, 2016.
Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ng mga OTWOLista at JaDine fans sa pagtatapos ng ABS-CBN primetime show na OTWOL.
Dumagsa ang mga fans sa Ynares Center, Antipolo City noong Biyernes upang magpaalam sa mga karakter nina Clark at Leah Medina.
Umabot sa almost 4 million tweets ang official hashtag ng palabas na #OTWOLTheLastFlight.




























